Wednesday, August 08, 2018

PAGKAWALA NG AKLANON SEAMAN HABANG NASA BARKO PALAISIPAN PA SA PAMILYA

Wala pang malinaw na pahayag ang kapitan ng barko at ang shipping company sa pamilya ng Aklanon seaman na si Paul JQ Repiedad kung paano ito nawala sa gitna ng dagat.

Matatandaan na naibalitang nawawala si Repiedad noon pang Agosto 3 habang sakay sa barkong Anjelique D mula Tsina patungong Pilipinas. Huli siyang nakita ng kanyang mga kasama sa hapunan gabi petsang iyon.

Pero ayon sa kanyang asawa na si Princess Lavina na ipinaalam lamang sa kanila ng ahensiya ng barko na Sea Power Shipping Enterprises Inc. ang insidente ika-5 na ng Agosto.

Base sa report na nakarating sa pamilya, umaga umano ng Agosto 4 anyayahin sana ng mga kasamahan ang able seaman para mag-almusal pero nagulat nalang sila na wala na ito sa kanyang cabin.

Tinungo ng asawa at ng mga magulang ng seaman ang shipping company para personal na makipag-ugnayan. Ipinagtataka ng pamilya na umabot na ng apat na araw ay wala parin silang maipakitang master report o pahayag mula sa kapitan ng barko.

“The staff incharge is trying to tell us to accept the situation, the problem is how come we can take it, if there is no proper explanation nor a specific evidence that they really tried to search for my husband,” post ng asawa sa kanyang FB account.

Ikinuwento pa niya na huli silang nag-video call noong Agosto 1 at ang huli niyang mensahe ay Agosto 2. Excited umano ang seaman dahil sa Pilipinas dadaong ang kanilang barko at plano nilang magkita sa Manila.

“May the Lord enlighten the mind of the people to speak for the truth,” dasal ng asawang babae. “Lord, we are still begging for your miraculous mercy to help my husband survive.” | EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment