Wednesday, June 27, 2018

PAGSARA NG BORACAY ISA SA MGA DAHILAN NG PAGTAAS NG SINGIL SA KURYENTE SA AKLAN - AKELCO

"In this June billing, the actual effect of Boracay closure could now be felt."

Ito ay bahagi ng inilabas na pahayag ng Aklan Electric Cooperative (Akelco) kaugnay ng pagtaas nila ng singil sa bayarin sa kuryente ngayong buwan ng Hunyo.

Kumpara sa buwan ng Mayo, ang power rate sa buwang ito ay tumaas ng 0.2402 centavos per kilowatt ayon sa Akelco.

Ang rate para sa mga residential customers na kumukunsumo ng 21Kwh-up ay P11.2403/kWh kumpara sa P11.0001/kWh nong Mayo.

"When Boracay was closed for business, overall power demand dropped drastically resulting to inevitability of increase in power rate," paliwanag ng Akelco.

Sinabi pa ng Akelco na nagtaas sila ng singil ngayong buwan dahil sa pagbababa ng power consumption. Ito ay para mabawi umano nila ang babayarang transmission charge sa National Grid Corporation of the Philippines.

Dagdag pa umano sa pagtaas ng power rate ang Feed-in-tariff (FIT) na isang karagdagang tariff para ipambayad sa producers na gumagamit ng renewable energy (RE) bilang insentibo sa RE development.

Samantala, sinabi naman ng Akelco na walang paggalaw sa bayarin sa kanilang araw-araw na operasyon gaya ng distribution system charge, supply system charge at metering. | EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment