Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Kalibo ang taas-pasahe sa mga tricycle na bumibiyahe sa kabiserang bayang ito.
Ang panukalang ordenansa ay inihain ni SB member Juris Sucro, committee chair on transportation, para baguhin ang umiiral na fare rate.
Naging basehan dito ni Sucro ang municipal ordinance 2016-32. Sa kanyang panukala isinusulong niya ang Php2.00 dagdag singil sa umiiral na pamasahe.
Katwiran niya sa kanyang draft ordinance, ang taas-pasahe ay kasunod ng pagtaas ng presyo ng petrolyo dahil sa pinapatupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.
Matapos maipresenta sa plenaryo ngayong araw ng Huwebes napagkasunduan ng mga miyembro na irefer muna ito sa pagpupulong ng committee as a whole para pag-aralan pa.
Giit ni regular presiding officer at vice mayor Madeline Regalado kailangan munang mapagkasunduan ang dagdag-pasahe sa mga interior road sa mga kabarangayan at kung isasama ba ito sa ilalabas na matrix.
Matatandaan na nag-ugat ang panukalang ito nang sumulat sa Sanggunian ang asosasyon ng mga tricycle sa Kalibo Marso ngayong taon na taasan ang pamasahe ng Php2.50. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment