Wednesday, June 27, 2018

AKLANON GRADE 12 STUDENT PANALO SA NATIONAL ART COMPETITION

Isang 17-anyos na Aklanon ang nagpamalas ng angking galing sa sining matapos manalo sa isang pambansang patimpalak.

Si Karen Abegail Honrado ng Andagao, Kalibo ay isa lamang sa sampung nanalo sa 2018 National Women's Month Celebration (NWMC) poster-making contest na idinaos noong Mayo.

Aniya ang konsepto ng kanyang entry na "Metamorphosis for Women" ay nagpapahayag ng pagbabago at kalayaan para sa mga kababaihan.

Sinabi ng Grade 12 student na siya mismo umano ang nagkonsepto at lumikha nito gamit ang oil pastel at acrylic paint sa illustration board.

Marami na umano siyang sinalihang kompetisyon sa ganitong larangan pero ito umano ang unang pagkakataon na nanalo siya sa national.

Nag-aaral siya sa Regional Science High School for Region VI ngayon. Plano niya maging arketekto balang araw. Simula bata ay hilig na niya ang pagguhit at pagpinta.

Ang poster-making ay joint initiative ng Philippine Commission on Women at Charity Sweepstakes Office.

Katuwang rin nila ang National Commission for Culture and the Arts sa paghost ng final judging noong Hunyo 19.

Layunin nito na ma-ipromote ang women’s empowerment at makagawa ng kamalayan sa mahalagang ginagampanan ng mga kababaihan sa sosyudad ng bansa. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment