(exclusive) Nais ipaabot ng pamilya Fontanilla sa pamilya Marcos ang orihinal diumano na imbuze painting ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Ito daw ay galing mismo sa malakanyang noong rehimeng Marcos. Utos diumano ni Marcos na itakas itong imbuze painting upang hindi masira ng mga tao sa kasagsagan ng pagbagsak ng rehimeng Marcos.
Ayon sa pamilya Fontanilla, isang sundalo at katiwala diumano ng mga Marcos ang kanilang lolo na syang nagtakas ng imbuze painting. Sinisid umano ito para lang maitakas.
Marami na umanong gustong umagaw nito sa kanila at meron ding gustong bilhin sa halagang tatlong daang libong piso (300k) ngunit hindi daw nila ipinagbibili.
Bilin umano ng kanilang lolo na ibalik sa pamilya Marcos ang nasabing painting.
Nakakuha din umano sila ng litrato ng painting ni Marcos na nakalagay sa Museum ng mga Marcos sa Batac, Ilocos Norte at makikita sa larawan ang paghahambing nito./ Joefel Magpusao, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment