Monday, June 25, 2018

AKLANON NAGTAPOS BILANG MAGNA CUM LAUDE SA UP-VISAYAS

Isang Aklanon ang nagtapos sa University of the Philippines o UP-Visayas bilang Magna Cum Laude.

Siya si Maynard Fuentes Vargas ng Brgy. Linabuan Norte, Kalibo. Nagtapos siya sa kilalang unibersidad sa kursong Bachelor of Science in Computer Science.

Ayon sa kanya hindi niya inaasahan na matamo niya ang nasabing karangalan. "Trust me, I am no better than anyone of my batchmates. Grades are not everything," sabi niya sa kanyang FB post.

"This is just to show the results for the people who helped me along the way. This is for the people who helped me grow intellectually, emotionally and spiritually," dagdag pa niya.

Nagpapasalamat siya sa kanyang mga magulang sa naabot niyang ito. "Not aiming for this but I'm honored... Para da kinyo ma and pa," sabi niya.

Si Vargas ay nagtapos na valedictorian sa Regional Science High School for Region VI at sa Linabuan Norte Elementary School.

Nabatid na si Maynard ay scholars ng Department of Science and Technology at lumaki sa hirap ng buhay.

Samantala, ayon sa UP-Akeanon nagtapos din sa parehong unibersidad ngayong taon ang 28 Aklanon. Walo sa mga ito ang Cum Laude. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment