NINA DARWIN TAPAYAN AT ROMMEL DESLATE, ENERGY FM 107.7
KALIBO
Patuloy pa rin ang ipinapatupad na clearing operation sa
palengke ng Kalibo sa pag-aalis ng mga ilegal na extension at mga bangketang
humaharang sa daanan ng mga mamimili.
Nagbibigay ng tatlong araw na palugit ang Market
Administration Division ng Kalibo sa bawat negosyanteng lumalabag sa Ordinance
no. 2002-016 and Revenue Ordinance no. 2014-21.
Nakasaad sa naturang ordinansa ang pagbabawal sa lahat ng
mga negosyante ang maglatag ng mga bangketa sa mga daanan o anumang bagay na
maaring makaabala sa mga mamimili.
Ayon kay OIC Market Administrator John Ariel Fernandez,
bibigyan rin nila ng puwesto ang bawat negosyanteng mapapaalis nila lalo na ang
mga naglalako lamang at walang pormal na puwesto.
No comments:
Post a Comment