Sunday, June 30, 2019

Mayor Cawaling balik opisina matapos muling mahalal sa pwesto


BALIK OPISINA si Mayor Ceciron Cawaling bilang alkalde ng Malay dakong alas-12:01 ng tanghali kanin kasunod ng muling pagkahalal niya sa pwesto.

Matatandaan na noong Abril 15, 2019 ay nagbaba ng desisyon ang Ombudsman na i-dismiss sa serbisyo si Cawaling bilang alkalde dahil sa mga kaso kaugnay ng kapabayaan sa Isla ng Boracay.

Ang desisyon ay lumabas anim na buwan matapos makapaghain ng kandidatura si Cawaling at pinalad siya sa eleksyon sa parehong pwesto.

Sa kanyang pag-upo sa pwesto ipinakita niya sa mga media ang mga dokumento na nagpapatunay umano na pwede siyang umupo sa katungkulan.

Kabilang sa mga dokumentong ito ay ang proklamasyon ng Comelec na nanalo siya sa eleksyon, ang panunumpa niya sa katungkulan.

Naglabas rin siya ng memoradum sa lahat ng mga department head ng munisipyo na nagsadabing umupo na siya bilang alkalde.

Sa kabila nito, batay sa advisory ng Department of Interior and Local Government Region 6 na nitong Hunyo 17, hindi umano pwedeng gamitin ang Aguinaldo at Condonation Doctrine.

Nanindigan ang DILG 6 na executory at epektibo parin ang decision ng Ombudsman matapos iserbe sa kanya ang dismissal sa pwesto noong Abril 24.

Samantala, sa panayam kay Malay Municipal Local Government Operation Officer Mark Delos Reyes, hindi nila tatanggapin ang pag-upo ni Cawaling at maging ano mang nilagdaan niyang mga dokumento ay magiging walang saysay.

Hihintayin pa umano ng kampo ni Cawaling ang hard copy ng advisory ng DILG.

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment