file photo |
Naglabas ng Advisory ang DILG 6 na hindi muna pauupoin si Malay Mayor-elect Ceciron Cawaling kaugnay ng kanyang dismissal order sa pwesto bilang alkalde ng Malay.
Mababatid na noong Abril 15, 2019 ay nagbaba ng desisyon ang Ombudsman na i-dismiss si Cawaling bilang alkale dahil sa kapabayaan umano sa Isla ng Boracay.
Naghain ng Motion for Reconsideration ang kampo ng alkalde pero wala pang resulta. Sa kabila nito, nanalo si Cawaling sa katatapos lang na eleksyon.
Kaugnay rito, sinabi ng DILG 6 sa advisory nitong Hunyo 27 na dapat ay temporaryo munang ibakante ang tanggapan ng alkalde.
Ayon pa sa advisory ang uupong alkalde ay ang bise-alkalde, at ang pinakamataas na opisyal ng Sangguniang Bayan member ang uupo naman sa pwesto ng bise-alkalde.
Sa nakalap na impormasyon ng Energy FM Kalibo, wala pang natanggap na advisory si Cawaling at itutuloy umano ng kanyang kampo ang inagurasyon ngayong araw.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
No comments:
Post a Comment