Wednesday, February 27, 2019

Mga negosyante sa Aklan umaangal dahil sa mahinang suplay ng tubig ng MKWD


UMAANGAL NGAYON ang ilang negosyante sa probinsiya ng Aklan na apektado ng ilang buwan nang mahinang suplay ng tubig ng Metro Kalibo Water District (MKWD).

Kaugnay rito isang resolusyon ang ipinasa ng Philippine Chamber of Commerce (PCCI) - Aklan Chapter upang ipetisyon sa Sangguniang Panlalawigan ang pag-imbestiga sa problema.

Saad ng PCCI sa kanilang Resolution 2019-02-12-01, Hulyo pa ng 2018 nararanasan ng mga miyembro at opisyal ng organisasyon ang low pressure sa suplay ng tubig ng MKWD.

Dahil sa epekto nito sa kanilang negosyo nanawagan ang organisayon ng mga negosyante sa Sangguniang Panlalawigan na alamin at bigyan ng solusyon ang problema.

Sa regular session ng SP araw ng Martes napagkasunduan na pag-usapan ang problema sa committee level para ipapatawag ang MKWD para pagpaliwanagin.

Nabatid na may pending pang inquiry ang Sanggunian sa reklamo ng mga taga-Balete sa mahinang suplay ng tubig ng MKWD sa kanilang bayan.

Ang MKWD ay nagsusuplay ng tubig sa mga bayan ng Kalibo, New Washington, Banga, Balete, Batan at Numancia.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment