Wednesday, February 27, 2019

Mga menor de edad nahuling nagko-computer sa oras ng klase sa Kalibo


DINALA SA Kalibo PNP Station at pinangaralan ng hepe ang nasa 20 kabataan na nahuli ng kapulisan Martes ng hapon na nagko-computer sa oras ng klase.

Ipinaitindi ni PSupt. Richard Mepania, hepe ng Kalibo PNP, ang pagpapahalaga ng mga bata sa kanilang pag-aaral at pagsisikap ng kanilang magulang para mapagtapos aila.

Habang binalaan naman ng hepe ang mga may-ari ng mga kompyuteran na nagpapasok ng mga menor de edad na mga estudyante sa kanilang mga shop sa oras ng klase.

Nakasaad sa Code of General Ordinance ng Kalibo na bawal na manatili ang mga estudyante sa mga internet shops 7:30am-11:30am at 1:30pm-4:30pm maliban lamang kapag walang pasok at tuwing weekend.

Sinumang lalabag sa ordenansang ito ay pagmumultahin ng hanggang sa Php2500 o revocation, maging non-renewal of license. Sa Code of General Ordinance naman aabot rin sa Php2500 ang pwedeng multa o pagkakulong ng dalawang linggo.##

No comments:

Post a Comment