MAHIGPIT NGAYONG ipinatutupad ng Inter-Agency Rehabilitation Management Group ang iba-ibang mga lokal na ordinansa sa Boracay.
Ang operasyon na tinawag nilang Project Boracay Enhanced Security Strategy and Tactics (BESST) ay naglalayong gawing "disciplined zone" ang buong Isla.
Kabilang sa bumubuo sa grupo ay ang Tourism Regulatory Enforcement Unit, Metro Boracay Police Task Force, at Malay Auxiliary Police.
Ayon kay PLtCol. Ryan Manongdo ng Metro Boracay Police Task Force, sa ngayon ang tinutukan muna nila ay ang front beach mula sa Station 1 hanggang Station 3.
Kabilang sa ipanatutupad ay ang pagbabawal sa mga iligal na commissioner at mga ambulant vendors sa front beach, pagbabawal sa pagkain sa beach, paninigarilyo, pag-inom, pag-ihi at pagdumi.
Hinihigpitan rin ng mga otoridad ang iligal na pagpapalipad ng mga unmanned vehicle o drone sa Boracay.
Sinabi pa ni Manongdo na 24/7 ang kanilang panghuhuli. Vinivideo nila ang panghuhuli para sa transparensiya. Binibigyan nila ng mga kaukulang violation ticket ang mga lumalabag.
Wala naman umanong umaangal at nagiging maayos ang ginagawa nilang panghuhuli.
Sa mga susunod na araw umano ay pagtutuonan naman nila ng pansin ang main road ng Isla.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment