Wednesday, February 27, 2019

12 bahay naabo sa sunog sa Isla ng Boracay

 

NAABO SA sunog ang 12 bahay at isang bodega ng kite boarding resort sa Sitio Bolabog, Brgy. Balabag sa Isla ng Boracay kagabi.

Ayon kay FSInsp. Lorna Parcellano, hepe ng Bureau of Fire Protection (BFP) - Malay, nagsimula ang sunog dakong 7:45 at tumagal hanggang 8:43 ng gabi.

Mabilis umanong kumalat ang apoy dahil sa malakas ang hangin at yari sa mga light materials ang mga nasunog na bahay.

Tinitingnan ngayon na dahil sa upos ng sigarilyo na itinapon sa isang bahay mula sa kalapit na resort nagmula ang sunog.

Tinatayang aabot sa Php1.5 million ang pinsalang iniwan ng sunog wala namang naiulat na nasugutan sa insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Sinabi ni Parcellano, ito na ang ikalawang sunog na naganap sa Isla sa taong ito. Ang nauna ay noong Enero 26 sa Sitio Tulubhan, Brgy. Manocmanoc.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment