Monday, September 03, 2018

BJMP AKLAN DISTRICT JAIL ININSPEKSYON NG PDEA; ILANG INMATES ISINAILALIM SA DRUG TEST

ININSPEKSYON NG mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang Aklan district jail ng Bureau of Jail Management and Penology.

Ginalugad ng PDEA ang ward ng mga lalaking inmates at ward ng mga babaeng inmates. Negatibo sa droga ang resulta ng kanilang random inspection.

Ayon kay JSInsp. Denver Beltran, ang inspeksyon na ito ay bahagi ng "Oplan Linis Piitan" ng PDEA, BJMP, at mga kapulisan. Layunin umano nito na madeklara bilang drug free ang district jail.

Isinailalim rin sa drug test ang ilang inmates lalo na ang nag-file ng plea bargaining. Ayon kay SInsp. Beltran nasa 80 porsyento ng mga inmates sa BJMP-Aklan ay sangkot sa iligal na droga.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa district jail ang 439 kalalakihan at 47 mga kababaehan. Sa ngayong, nasa 116 na inmates ang nasa proseso ng plea bargaining program ng Department of Justice.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
photos by Archie Hilario, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment