file photo / Darwin Tapayan |
Ito ang pahayag ni Anna Karla Villanueva ng Department of Social Welfare and Development 6 at Secretariat ng Regional Inter-Agency Committee against Trafficking and Child Pornography and Violence Against Women and Children, sa isang press conference sa bayang ito araw ng Martes.
Matatandaan aniya na na noitng Abril ay 33 kababaehan ang narescue ng mga otoridad mula sa pambubugaw. Apat ang naaresto sa nasabing operasyon.
Patunay aniya ito na umiiral parin ang prostitusyon sa Isla ng Boracay. Inamin ni Villanueva na nahihirapan silang sugpuin ang prostitusyon dahil karamihan umano sa mga biktima ay ginugusto ang pumasok sa ganitong uri ng trabaho.
Nabatid na sumasailalim sa paggabay ng local social welfare office ang mga narerescue sa operasyon kontra prostitusyon at inaalok umano ng livelihood program pero mas pinipili parin umano nilang bumalik sa dating trabaho dahil madali umano ang pera rito.
Sa buong rehiyon, pangalawa ang prostitusyon sa pinakamaraming kaso ng human trafficking. Batay sa ulat kapulisan, noong nakaraang taon ay nakapagtala sila ng 18 kaso ng prostitusyon kasunod ng labor exploitation na may 28 kaso.
Aniya ang tanging magagawa ng pamahalaan ay ang hulihin ang mga nambubugaw at palakasin ang edukasyon kontra sa human trafficking.
Samantala, ang Aklan ang napili ng Regional Social Welfare Office na pagdausan ng Blue Heart Campaign o kampanya laban sa human trafficking. Ang "Blue Heart" ay sumisimbolo ng kalungkutan at pagmamahal sa mga biktima ng trafficking.
Kabilang umano sa iimbitahan nila sa aktibidad na ito ay ang mga opisyal ng Sangguniang Kabataan at mga Supreme Student Government leaders. Kabilang sa mangangasiwa nito ay ang Department of Justice sa Aklan, at ang Provincial Social Welfare Office.
Walang pang detalye sa nasabing aktibidad at kung kelan ito idaraos. Ang Aklan umano ang napili nilang pagdausan ng aktibidad dahil dito ang Isla ng Boracay, isang internasyonal na destinasyon.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment