ISINUGOD SA Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang dalawang lalaki matapos na sila ay madisgrasya sa larong palosebo sa Brgy. Naisud, Ibajay Lunes ng hapon.
Nabali kasi ang kanilang inaakyatang kawayan. Ang aktibidad na isinagawa sa beach ay bahagi ng taunang selebrasyon ng Barangay Council sa kapyestahan ng #SanJuan2019.
Kinilala ang mga biktima na sina Joven Claud, 34-anyos, at pinsan na si Jackie Jon Claud, 19, parehong mga residente ng Brgy. Buenavista, Ibajay.
Sa eklusibong panayam ng Energy FM Kalibo kay Brgy. Naisud Punong Barangay Edgar Pelayo, nasa walo na kasi umano ang umaakyat sa kawayan kaya bumigay ito.
Aniya bumagsak sa sa malaking putol na kahoy ang mga biktima. Agad silang isinugod sa ospital.
Na-confine sa ospital si Jackie Jon matapos umanong mabalian sa katawan.
Ayon naman kay Punong Barangay Pelayo, tumutulong na ang Barangay Council sa gamutan sa mga mag-pinsan.
Humingi naman ng pasensya sa pamilya ng mga biktima at sinabing disgrasya ang nangyari.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
No comments:
Post a Comment