photo c. Masbate Star News |
NILINAW NG Philippine Coast Guard Aklan na hindi ito ang nawawalang mangingisda sa Buruanga, Aklan na natagpuan sa karagatang sakop ng Masbate.
Mababatid na simula Sabado ng gabi ay hindi na nakauwi si Panfilo Tandog ng Brgy. Katipunan, Buruanga sa kanilang bahay matapos mangisda sa karagatan.
Ayon kay PTO1st Class Pat Joenard Belarmino, Buruanga Coast Guard Chief, may natanggap silang ulat na may natagpuang bangkay sa dagat sa Masbate.
Ipinakita ng Coast Guard ang larawan ng bangkay sa pamilya pero ayon sa kanila hindi ito si Panfilo.
Ang bangkay na nakita Sabado ng umaga ay kinilala kalaunan na si Romeo Adiaton y Vicario alyas Tamala, 68-anyos, residente ng Pilar, San Antonio, Northern Samar.
Si Adiaton ay napabalitang nawawala simula pa Pebrero 10 makaraang umalis sakay ang maliit na bangka.
Natagpuan nalang ito Pebrero 16 na pugot na ang ulo sa baybaying dagat sakop ng Brgy. Marintoc, sa Mobo, Masbate.
Patuloy parin ang monitoring at paghahanap ng Coast Guard sa nawawalang mangingisda.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment