photos Maila Villorente |
Sa isang facebook post ibinahagi ni Ms. Maila Villorente, sattelite physical therapist at incharge sa Stimulation Therapeutic Activity Center (STAC) sa bayan ng Malinao ang aniya ay hindi makasariling pagmamahal ni Nanay Helen Regino sa anak niyang si Chaira na mayroong kapansanan dahil wala itong normal na mga paa.
Si Chaira ay nag-uwi ng tatlong gintong medalya sa paralytic competition ng Western Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) Meet sa larangan ng swimming. Nakuha niya ang mga gintong medalya sa breast style, sa freestyle, at sa back stroke.
Emosyonal pa na ibinahagi ni Ms. Villorente ang kanyang obserbasyon kung paano binubuhat ng kanyang ina at kinakalong simula pa ng maliit si Chaira para lamang makarating sa eskwelahan. Ngayon ay Grade 11 na ang anak.
Umiyak umano si Ms. Villorente nang siya ay yakapin ng ina sa lubos na pasasalamat nito sa tagumpay na narating ng anak. Pinasalamatan naman niya sa parehong post ang mga taong tumulong para sa training at para makarating si Chaira sa WVRAA sa Roxas City.
Ikinuwento rin niya ang pagsuporta ng kanyang ama at kapatid para manalo sa kompetisyon si Chaira. Si Chaira ay pasok na sa Palarong Pambansa.
Humanga siya sa mag-asawa sa pagpapalaki sa kanilang anak. “Nakaka bilib kun paano nyo gin pabahoe si Chaira bilang isaea ka mabuot ag may determinasyong pagka unga.Sa pagta-o nimo imo daywa ka siki para maka abot kun siin maw mag paadto hay pinaka mabahoe na parte ana pag daog,” pagbabahagi niya.
Ang post ay umani ng paghanga at pagpapaabot ng congratulations sa mag-ina at maging sa therapist na nag-alaga rin kay Chaira. Kami sa Energy FM Kalibo ay saludo sa inyong lahat!
No comments:
Post a Comment