Nasa Aklan ngayon ang 21 delegates mula Asia, Europe, at South America bahagi ng kanilang international youth festival na tinatawag na “GenFest".
Ang pagtitipong ito na inorganisa ng isang international Catholic movement sa Roma ay gaganapin sa Manila sa Hulyo 6-8. Lalahukan ito ng 7,500 kabataan mula sa 99 bansa.
Bago ang malaking pagtitipon na ito, ang mga delegado ay ipapadala sa iba-ibang lugar sa bansa para sa "Pre-GenFest" para sa kanilang cultural immersion.
Isa ang Kalibo sa mga lugar na ito kasama ang Baguio, Cebu, Dumaguete, Eastern Samar, La Union, Las Piñas, Leyte, Manila, Masbate, Palawan, Pangasinan, Pasay, Tagaytay, at Tarlac.
Magtatagal ang grupong ito hanggang Hulyo 5. Kabilang sa kanilang mga aktibidad ang Sadsad sa Kalye and the Kultura Night, Dinner and Jam Night.
Maglilibot rin sila sa ilang tourist destination sa kabiserang bayang ito kabilang na ang ipinagmamalaking Bakhawan Eco-Park.
Una nang hinikayat ni konsehal Philip Kimpo, committee chair on tourism, ang iba-ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan na makibahagi sa tagumpay ng pagdiriwang na ito.
"The staging of the 'Kalibo Pre-GenFest 2018 International Youth Gathering' will be a great opportunity for tourism and cultural promotions of our vibrant town of Kalibo," pahayag ni Kimpo sa ipinasa niyang resolusyon kaugnay rito. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment