Naaresto na ng mga kapulisan ang babaeng ito na kinilalang si Yvette Valdez tubong Aklan sa mga kaso ng illegal recruitment at six counts of estafa.
Ikinasa ng Criminal Investigation and Detection Group Anti-Transnational Crime Unit (CIDG-ATCU) ang pag-aresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Manila Regional Trial Court Judge.
Una nang naiulat na sangkot si Valdez sa pagrerecruit ng magtratrabaho sa dairy farm sa New Zealand sa pamamagitan ng Ryvt Recruitment Agency.
Nakakulimbat umano ng nasa Php200,000 hanggang Php250,000 ang suspek mula sa nasa 170 biktima bilang processing fee.
Matapos ang nasabing insidente bigla nalang umanong nawala ang suspek at ang ahensiyang ginagamit nito sa modus operandi ay pinasara kalaunan ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) dahil hindi ito rehistrado.
Nanawagan ngayon ang mga otoridad sa iba pang mga nabiktima na magsampa rin ng kaukulang kaso laban sa suspek. | EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment