Posibleng sa Setyembre na ang “soft opening” isla ng Boracay kapag naabot ang ilang kondisyon.
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing, magiging posible ito kapag natanggal na ang lahat ng establisyimyento na lumampas sa easement zone at kalahati ng mga istrukturang itinayo sa wetlands.
Kinakailangan ding mailatag na ang 70% ng road at drainage systems, at lima sa siyam na wetlands sa isla ay dapat ma-reclaim.
Dapat din na malinis na ang tambakan ng basura sa isla.
Maliban dito, oobligahin din ng task force na pasok sa pamantayan ang waste water na inilalabas sa isla sa loob ng 30 magkakasunod na raw.
Sinabi ni Densing na isusumite sa Inter-Agency Boracay Task Force ang mga kundisyon para sa soft opening ng Boracay.
Isinara sa mga turista ang isla sa loob ng anim na buwan mula Abril para isailalim sa rehabilitasyon. | Radyo INQUIRER
No comments:
Post a Comment