Pananampalataya sa Diyos, pagbalanse sa oras at sipag sa pag-aaral. Ito ang mga dahilan ni Jason Escobar Baldimor kung bakit nag-top 8 siya sa katatapos lang na Nursing Board Exam.
Ang 22-anyos na topnotcher at proud Aklanon ay taga-Cerudo, Banga at graduate ng West Visayas State University.
Nagpre-school at elementarya siya sa Christ the King at nagsekondarya sa Regional Science High School lahat dito sa Kalibo.
Plano ni Baldimor na mag-aral ng medisina para maging doktor at maglingkod dito sa ating bansa lalu na anya sa malalayong lugar.
Bagaman hilig nya rin ang pagbabasketbol, natuto umano siyang ibalanse ang kanyang oras at pagtuonan ng pansin ang kanyang pag-aaral. Nagpapasalamat rin siya sa suporta ng kanyang pamilya at mga kaibigan.
Mensahe nya sa mga nais magtagumpay kagaya niya "una, saligan gid naton ro Ginuo... ag mapinangamuyuon... sa kada adlaw... ag sundan gid it pag-obra it aton nga parte."
"Dapat open minded... appreciate do beauty it mga tawo nga gasuporta katon... Ag di mag-ubra it desisyon nga makasamad sa inyong feature."
Si Baldimor ay isa lamang sa Aklanon na nakapasok sa top 10 ng Nursing Board Exam. Ang isa pa ay si Lucil Daisy Estanislao Cerrada ng Tigayon, Kalibo na nagtop-6. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment