Kumpyansa si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sec. Roy Cimatu na mabubuksan ang Isla ng Boracay sa Oktobre 26.
"That is really the mandate." pahayag ng kalihim sa press conference ng Inter-Agency Task Force Martes ng hapon sa Boracay.
Kaugnay rito sinabi ni Cimatu na pwede nang magbook ngayon ng mga turisra ang mga hotel at resort sa Isla. "Yes! By all means," tugon ni Cimatu sa tanong ng mga media.
"But for those establishment who have violation that is a big no," dagdag ng kalihim. Iginiit nya na kailangan muna nilang itama ang kanilang mga paglabag o punan ang kanilang kakulangan.
Base sa report ng Department of Interior and Local Government, sa 1226 establishment sa Boracay na ininspeksyon ng Kagawaran, 95 lamang dito ang compliant pagdating sa mga permit, licenses at mga environmental clearances.
Sa pagtaya ni Cimatu nasa mahigit 50 porsyento na ang ginagawang rehabilitasyon ng gobyerno sa Boracay.
Samantala, sinabi naman ng kinatawan ng Department of Public Works and Highway na sa Hulyo ay magsisimula na ang buong rehabilitasyon ng nasa 5km main road. Posible anya nilang matapos ito sa Oktobre.
Matatandaan na isinara sa mga turista ang Boracay simula Abril 26 para bigyang daan ang anim na buwang rehabilitasyon nito alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment