NI PEACH LEDESMA, ENERGY FM 107.7 KALIBO
Upang masubukan ang kapasidad at abilidad ng iba’t-ibang
ahensya sa probinsya pagdating sa emergency dispatch, responde at pag-aalaga sa
pasyente, patient transport, at inter-facility ay magsasagawa ng isang
simulation drill ang ilang mga organisasyon sa probinsya ng Aklan sa susunod na
linggo.
Sa komunikasyon na ipinadala ni Local Disaster Risk
Reduction and Management Officer (LDRRMO) 4 Galo Ibardolaza, ang isasagawang
multi-sectoral pre-hospital emergency medical services simulation drill ay
isasagawa ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Aklan
(PDRRMO) Aklan kasama na ang Department of Health (DOH) Region 6 sa pamamagitan
ng kanilang Violence and Injury Prevention Program (VIPP).
Sa nasabing simulation drill ay gagayahin ang scenario kung
saan magkaakroon ng aksidente sa kakalsadahan na may kasamang pagsabog at
sunog.
Ito ay isasagawa sa darating na Oktubre 21 2016, bandang
alas-9:00 umaga, sa circumferential road sa Sitio Tigao, Poblacion, Makato,
Aklan.
Sa lumabas na mga datos, ang pangunahing sanhi ng kamatayan
ng mga indibidwal sa pagitan ng edad kinse hanggang disinuebe ay mga pinsalang
natatamo sa mga kakalsadahan. Ito rin ay itinuturing na pangatlo sa mga
pangunahing rason ng kamatayan sa buong mundo. Sa regional level naman, ang mga
pinsala at aksidente naman ang pang-pitong rason ng kamatayan ng mga indibidwal.
No comments:
Post a Comment