Showing posts with label Semana Santa. Show all posts
Showing posts with label Semana Santa. Show all posts

Monday, April 22, 2019

“Holy week in Aklan, peaceful and orderly”- Manlapaz

photo: Malay PNP

THE WEEK-LONG Lenten celebration in Aklan province was considered peaceful and orderly despite the occurrence of several untoward incidents recorded in some areas.

Record shows that there is only 1 physical injury and 1 arrested wanted person that took place on April 20 and prior to that, no related incident were recorded so far.

Manlapaz said the increase of police presence, intelligence monitoring and continuous dissemination of IEC materials in resorts, religious shrines and other areas of convergence contributed for the peaceful and orderly celebration of the Holy Week.

“Malaki talaga ang naitulong ng pagdagdag natin ng kapulisan sa mga mataong lugar upang maiwasan ang kriminalidad,” the province top cop said.

Inspecting team from Police Regional Office as well as from Aklan PPO were also on the field to check if the PNP uniform personnel are doing their duties in their area of responsibility.

Meanwhile, Aklan PNP is continuously securing the places of convergence and not only for the Holy Week break but during the entire summer vacation.

Manlapaz directed his men to continuously provide public safety services to motorists, commuters and the general public by conducting intensified security patrols and traffic management along national highways and other public thoroughfares during the entire summer vacation. (PSSg. C. Lagatic)

- PCor. Ma. Jane C Vega, APPO PIO

Friday, April 12, 2019

Tigayon Hill may viewing deck, binocular na


Mas pang mai-enjoy ngayon ng mga indibidwal, mag-anak, at magkakaibigan ang pagbisita sa Tigayon Hill sa Brgy. Tigayon, Kalibo, Aklan dahil sa bagong viewing deck at binocular nito.

Ang viewing deck sa tuktok at ang tourist information center ay binuksan sa publiko noong Marso 14.

Ang binocular ay coin operated para makita nang malapitan ang mga tanawin. Maglalagay ka lamang ng bagong limang piso para magamit ang binocular sa loob ng tatlong minuto.

Bukas ang Tigayon Hill alas-6:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi.

Ang entrance fee para sa mga residente ng Kalibo, mga estudyante, senior citizens, person with disabilities ay Php30.00 habang Php50.00 naman para sa mga turista at ibang Aklanon.

Libre naman ang mga bata siyete anyos pababa at mga residente ng Brgy. Tigayon. Base ito sa Municipal Ordinance No. 2016-002.



Magandang lugar ang Tigayon Hill sa gustong magnilay-nilay lalo na sa panahon ng Kuwarisma o Semana Santa. Mayroon itong Stations of the Cross at may chapel sa tuktok kung saan pwede kang magdasal.

Mayroon din itong mini-museum kung saan makikita ang mga labi ng tao, hayop at mga sinaunang kagamitan na nahukay o natagpuan sa lugar.

May ilang kuweba rin ang Tigayon Hill.

Paalala naman ng Municpal Tourism Office sa mga bibisita na ipinagbabawal ang vandalism sa lugar, pagdadala  ng mga nakalalasing na inumin, at kalaswaan.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Wednesday, March 28, 2018

TEMPLO SA PANAHON NI PROPETANG MOISES PWEDE NANG PASUKIN SA NUMANCIA, AKLAN

Kasalukuyang tinatayo sa Dongon West, Numancia ang replika ng templo sa panahon ni propetang Moises.

Ayon kay Pastor Owen Emen, district pastor ng Seventh-Day Adventist sa Aklan, ang replika ay insakto umano sa orihinal na santwaryo sa Bibliya.

Mababasa sa Lumang Tipan ang detalyadong utos ng Panginoon kay Moises sa pagtatayo ng tabernakulo o isang naililipat na templo.

Ang sukat at lahat ng dako at detalye ng orihinal na santwaryo ay gayang-gaya umano sa orihinal maliban lamang sa materyales na ginamit.

Ipinagmalaki rin niya na nag-iisa lamang ito sa Asya. Sa buong mundo anya ay nasa sampu na na replika ang kanilang itinatayo.

Posible umanong matapos ito sa Marso 29 at magsasagawa sila ng soft opening sa Biyernes Santo. Pero regular na itong bubuksan sa susunod na linggo at magtatagal ng tatlong buwan.

Bukas umano ito alas-3:00 ng hapon hanggang alas-9:00 ng gabi na may tig-12 katao bawat tour. May full-time umano na tour-guide dito na magpapaliwanag ng kasaysayan at mga gawain dito.

Sa panahon ni Moises, ito ay lugar ng pagsamba at pagsasakripisyo ng mga hayop. Ipapaliwanag rin umano kung ano ang kahalagahan nito sa modernong panahon.

Kaugnay rito hinihikayat ni Ptr. Emen ang publiko na maranasan ang pagpasok sa santwaryong ito.

Friday, March 23, 2018

REKOMENDASYON NA SIMULAN SA APR. 26 ANG BORACAY CLOSURE, PAGPAPASYAHAN PA NI PANGULONG DUTERTE

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang may “last say” sa petsa kung kailan magsisimula ang closure ng Boaracay island.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Department of Interior and Local Government (DILG) Asec. Epimaco Densing III, sinabi nito na Huwebes ng gabi ay nagsagawa ng pagpupulong ang DILG, Department of Tourism (DOT) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa nasabing pulong, nabuo na ang written recommendation na isusumite kay Pangulong Duterte at nakasaad na April 26 ang simula ng closure sa Boracay na tatagal ng anim na buwan.

Ani Densing, kung ang mga turista ay may biyahe patungong Boracay ngayong Semana Santa o hanggang bago mag April 26, maari pa rin nilang ituloy ang kanilang mga biyahe.

Kung ang nakatakdang biyahe naman ay lagpas ng April 26, mas mabuting humanap na ng ibang pagbabakasyunan. Aniya, handa naman ang mga airline companies na mag-refund ng pamasahe sa mga maaapektuhang biyahero.

Sa sandaling magsimula na ang closure, agad tututukan ng DILG, DENR at DOT ang drainage system at sewer lines sa Boracay.

Ani Densing, hindi biro ang rehabilitasyon na kailangang gawin sa Boracay at papanagutin nila ang lahat ng establisyimento na mapatutunayang lumabag at dinumihan ang karagatan./ Radyo INQUIRER

Thursday, April 13, 2017

WALANG BANTA SA SEGURIDAD SA BORACAY NGAYONG SEMANA SANTA - BORACAY PNP OFFICIAL

Walang banta sa seguridad sa Isla ng Boracay kaugnay ng paggunita ng Semana Santa alinsunod sa monitoring ng security forces ng kapulisan dito.

Sinabi ni SInsp. Jsoe Mark Anthony Gesulga, deputy chief ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), ang isla ay nananatiling ligtas.

Giniit ni Gesulga na bagaman walang banta sa seguridad, patuloy umano silang magbabantay upang masiguro ang kaligtasan ng mga turista dito.

Ayon pa sa opisyal ng BTAC, ang iba pang multi-sectoral agencies sa isla, kabilang na ang Task Force Boracay ng Philippine Army, Philippine Navy, Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group, ay patuloy sa pagbabantay sa entry at exit point at maging sa mga baybaying sakop ng isla.

Sinabi pa ni Gesulga na pinaigting na nila ang seguridad kasunod ng nangyaring bakbakan sa Bohol noong Martes sa pagitan ng sundalo ng gobyerno at mga rebeldeng Abu Sayyaf.


Nabatid na nasa 188 police personnel ang naka-deploy ngayon sa isla para sa Semana Santa. Tinataya namang nasa 50,000 turista ang bibisita sa Boracay kaugnay ng nasabing pagdiriwang. (PNA)

MGA PARTY, MALALAKAS NA TUGTOG IPAGBABAWAL SA BORACAY SA BYERNES SANTO

Ipagbabawal sa Isla ng Boracay ang mga kasiyahan at mga malalakas na tugtog sa darating na Byernes Santo.

Sinabi ni Felix delos Santos, chief tourism operations officer ng Boracay, ito ay para tahimik na gunitain ng mga mananampalatayang Katoliko ang sakripisyo ng Panginoong Jesucrsito.

Ayon kay delos Santos, ang ban ay magsisimula sa Byernes Santo, alas-6:00 ng umaga at magtatapos alas-6:00 ng umaga ng Sabado de Gloria.


Nakasaad sa panuntunan ng municipal resolution no. 015 ay pagbabawal ng pagbibigay ng mga permit sa pagsasagawa ng mga kasiyahan o party  sa Boracay sa Byernes Santo.

Nabatid na ang panuntunang ito ay ipinapatupad bawat taon simula nang ito ay maipasa noong 2009.

Bagaman walang itinakdang parusa, sinabi ng opisyal na ang mga kapulisan ay magpapatrolya parin sa isla upang masiguro na ang resolusyon ay sinusunod.

Nilinaw naman niya na ang mga bars at restaurant sa isla ay hindi binabawalang mag-operate maliban lamang sa pagpapatugtog ng mga maiingay na musika. (PNA)


SNATCHER UMATAKE SA BORACAY; AUSTRALIAN NATIONAL NATANGAYAN NG PHP111,000

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Isang Australian National ang nagreklamo sa Boracay PNP station makaraan umanong mabiktima ng snatching sa Isla ng Boracay kahapon dakong alas-10 ng umaga.

Ayon sa biktimang si Charlotte Collingwood, nag-aantay umano sila ng masasakyang motorsiklo kasama ang kanyang boyfriend sa brgy. Manocmanoc nang mangyari ang nasabing insidente.

May lumapit umano sa kanilang motorsiklo at hinablot ng sakay nito ang kanyang shoulder bag saka ito humarurot ng takbo papalayo.


Sinabi ng biktima na kabilang umano sa laman ng nasabing bag ang laptop, relo, necklace, camera at perang mahigit Php7,000. Sa pagtaya ng turista, aabot  ang mga ito sa halagang Php111,000.


Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil sa nasabing kaso.

Tuesday, April 11, 2017

ENTRANCE SA TIGAYON HILL, LIBRE SA HUWEBES AT BYERNES SANTO


Libre sa publiko ang entrance sa Tigayon Hill sa darating na Huwebes at Byernes Santo ayon sa lokal na pamahalaan ng Kalibo.

Ayon kay Rhea Rose Meren, Kalibo tourism office head, ang Tigayon Hill ay isa umano sa mga paboritong destinasyon sa panahon ng Semana Santa.

Una nang naglinis ang lokal na pamahalaan nitong nakalipas na Sabado at Linggo sa Tigayon Hill.

Tinuturing ng pamahalaang lokal na isa itong "enchanted destination."

Sa mga regular na araw ang entrance sa Tigayon Hill ay Php30 para sa mga residente ng Kalibo at Php100 para naman sa mga turista.

Maliban sa Tigayon Hill, ang iba pang mga paboritong Holy Week destination sa probinsiya ay ang Manduyog Hill sa Banga, Spanish-old sa Tangalan na itinayo pa noong 1889.

Sa Boracay, ang mga popular na Holy Week destination ay ang Sta. Lucia chapel sa brgy. Manocmanoc, Nuestra Señora Lourdes chapel sa Yapak, St. John the Baptist sa Angol, Mary Mother of All Nations sa Pearl of the Pacific Resort at ang Holy Rosary Parish sa Balabag. (PNA)