Wednesday, June 12, 2019

Board Member Tirol pormal nang nagpaalam sa Sangguniang Panlalawigan

 

PORMAL NANG nagpaalam sa Sangguniang Panlalawigan ng Aklan si Board Member Lilian Quimpo Tirol kasunod nang kanyang pagkatalo sa katatapos lang na eleksyon.

Mababatid na lahat ng miyembro ng Sanggunian pati na ang regular presiding officer na si Vice Governor Reynaldo Quimpo ay pinalad sa election bilang mga incumbent officials maliban lamang kay Tirol.

Nitong Lunes sa regular session ng Sanggunian, isang send off ceremony ang isinagawa para pasalamatan ang opisyal at gawaran ng parangal sa anim na taon niyang paglilingkod mula 2013.

Sa send-off ceremony, nagbigay ng mensahe sina Board Member Jay Tejada, Board Member Soviet Dela Cruz, Rechie Oloroso, legislative staff at si Vice Governor Reynaldo Quimpo.

Sa kanyang mensahe, sinabi ng out-going official na tanggap na niya ang hatol ng mga Aklanon. Nakadepende rin aniya sa mga Aklanon at sa Diyos kung tatakbo pa siya sa susunod na eleksyon.

Si Tirol ang nag-iisang babaeng miyembro ng konseho. Mababakante niya ang Chairmanship sa mga Committee on Human Resources at Committee on Women and Family Welfare at membership niya sa iba pang committee.

Napag-alama na pinaaga ng Sanggunian ang send-off ceremony para kay Tirol dahil sa susunod na Lunes ay wala umano ang regular presiding officer at ang iba pang mga miyembro dahil may mga lakad.

Posibleng ang susunod na session sa susunod na linggo ang huling sesyon na ng Sanggunian bago sila magpalit mula sa kasalukuyang 17th Sanggunian sa ika-18 Sanggunian tanghali ng Hunyo 30.

Ang bagong miyembro ng 18th Sanggunian ay ang Board Member-Elect na si Juris Sucro ng first district na nasa ikalawang pwesto.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment