Batay sa tala ng PHO umabot na sa 1,043 ang kaso ng dengue sa probinsiya mula Enero 1 hanggang Hunyo 1 nitong taon. Nabatid na mas mataas ito ng 50 porsyento kumpara sa parehong peryod noong nakaraang taon.
Pinakamataas ang kasong naitala sa bayan ng Kalibo na may 300; Banga na may 107 na kaso; at Numancia na may 94. Mababatid rin na lahat ng bayan ay may rekord ng kaso ng dengue.
Pinakambaba naman ang bayan ng Madalag na mayroon lamang na 10 kaso.
Nabatid na karamihan sa mga natamaan ng kaso ay mga batang nasa edad 1 taon-gulang hanggang 10 taon-gulang na may 385 kaso o 37 porsyento ng kabuuang bilang.
Kaugnay rito nagpaalala si Dr. Victor Santamaria ng PHO-Aklan sa mga mamamayan na panatilihing malinis ang paligid. Magpakunsulta rin aniya ng maaga kapag nakakaranas ng lagnat.
Aniya inaasahan ang pagtaas ng bilang ng dengue ngayong tag-ulan simula sa buwan ng Hunyo.
Sinabi ni Santamaria na nagsasagawa rin sila ng misting sa mga lugar na may mataas na kaso ng dengue.
Hinikayat naman niya ang mga opisyal ng barangay na maging aktibo sa kampanya kontra dengue kabilang na ang pagkakaroon ng information dissemination sa mga kabarangayan.
Samantala, sa buong rehiyon ng Western Visayas, nakapagtala ang Iloilo ng pinakamataas na kaso na 2516; Negros Occidental ng 2,277; at Capiz na may 1,245.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment