ISANG PAGDIRIWANG ng musika, sining at panitikan ang inorganisa ng Aklan Madya-as Art Festival at ng AkLit The Unspoken sa darating na Marso 9 dito sa bayan ng Kalibo.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni Jed Nykolle Harme, presidente ng AkLit The Unspoken, ang aktibidad ay bahagi parin ng "National Arts Month" sa buwan ng Pebrero.
Aniya ang isang araw na aktibidad ay kinabibilangan ng zine fest, photo exhibit, visual arts, art fair, paper cutting, poetry slam competition, open mic event, poetry reading, graffiti, open style dance battle at tatooing.
Ang poetry slam competition ay bukas sa lahat ng may kakayahang bumigkas ng tula edad 14-anyos pataas kug saan sasabak sila sa preliminary competition, semi-finals, at grandslam.
Magkakaroon din ayon kay Harme ng open mic kung saan ang mga nais maghayag ng kanilang damdamin at ipamalas ang kanilang talento ay mabibigyan ng pagkakataon.
Habang ang art fair ay bukas sa lahat ng gustong i-display ang kanilang mga natatanging likhang sining gaya ng calligraphy, paintings, sketches, digital arts, zine, komiks, mga drawings at iba pa.
Sinabi ni Harme na pagkakataon ito ng mga kabataang Aklanon para ipamalas ang kanilang anking galing sa larangan ng musika, sining at panitikan at para maipahayag ang kanilang damdamin.
Ang pagdiriwang na ito na tinawag nilang "SIMULA - Sining, Musika, at Literatura" ay gaganapin sa Shots Music Lounge sa N. Roldan St., Kalibo.
Mayroong Php50.00 na registration fee sa nais dumalos sa nasabing aktibidad. Ang malilikom na pondo ay gagamitin ng organisasyon sa mga proyekto nila.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment