ITUTULOY PARIN ng STL Panay ang planong pag-dredge sa Aklan River sa kabila ng mga oposisyon ng mga ilang residente at maging pamahalaang lokal ng Kalibo.
Sa sulat na ipinadala sa Sangguniang Bayan ng Kalibo nitong Nobyembre 8, sinabi ni Patrick Lim, Managing Director ng STL, pinahayag niya na nakompleto na nila ang mga dokumento para sa proyekto.
Matatandaan na una nang nagpasa ang Sanggunian ng Resolution No. 2018-460 na nagpapahayag ng pagtutol sa pagsisimula ng proyekto dahil sa kakulangan umano ng mga kaukulang dokumento.
Kaugnay rito, sinabi ni Lim na nais ng kanilang grupo na muling makipagpulong sa Sanggunian. Hiniling niya na isantabi ang nabanggit na resolusyon at magpasa ng panibago na pumapayag sa pagsisimula ng parehong proyekto.
Idinagdag pa ng managing director na base sa Department of Public Works and Highway matatapos na sa Disyembre ang revetment wall sa ilog sa Bakhaw Norte, Kalibo bilang proteksyon sa mga residente roon.
Mababatid na marami sa mga residente ng Brgy. Bakhaw Norte ang tumutol sa proyektong ito at hiniling na maproteksyunan sila sa pamamagitan ng revetment wall.
Napagkasunduan ng Sanggunian sa kanilang regular session na sa susunod na linggo ay makikipagpulong sila sa STL Panay kaugnay ng flood mitigation project ng gobyerno probinsiyal ng Aklan.##
No comments:
Post a Comment