Wednesday, May 30, 2018

BAGONG HIRED NA YAYA ARESTADO MATAPOS PAGNAKAWAN ANG AMO

Arestado ang babae na ito na bagong hire na yaya matapos umanong pagnakawan ang kanyang amo.

Kinilala sa report ng kapulisan ang suspek na si Jessica Bautista, 18-anyos, residente ng Poblacion, Malinao.

Ayon sa biktima na si Iris CaiƱa, 28, tubong Cagayan De Oro, inirekomenda lamang sa kanya ang nasabing suspek para magbantay sa kanyang 1 year old na anak.

Miyerkules ng hapon ay sandali umanong iniwan ng biktima sa inuupahang apartment sa Brgy. Andagao, Kalibo ang suspek kasama ang anak niya at isa pang bata.

Pagbalik niya sa apartment ay nawawala na ang kanyang tablet, relo at pera. Dahil ay agad siyang humingi ng tulong sa mga kapulisan.

Nang usisain ng rumespondeng pulis ang bag ng suspek, tumambad ang mga nasabing nawawalang gamit ng biktima.

Ayon sa kanyang amo, nasa dalawang oras palang na naihire ang suspek nang magawa ang krimen.

Inamin naman ng suspek ang naggawang kasalanan sa panayam ng Energy FM Kalibo. Dahilan nya, may sakit umano ang kanyang ate at nangangailangan siya ng pera.

Pareho narin anyang patay ang kanyang nanay at tatay at ang ibang mga kapatid ay may mga asawa na.
Desidido naman ang biktima na magsampa ng kaukulang kaso laban sa suspek./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment