Wednesday, May 30, 2018

BABAENG PRESO SA KALIBO POLICE STATION PINAGHIHINALAANG SINAPIAN

Pinaniniwalaang sinapian ng masamang espiritu ang 18-anyos na babaeng ito na nakulong dahil sa kasong qualified theft.

Naganap ang insidente ngayong Miyerkules ng gabi sa Kalibo Police Station.

Nagsisigawan nalang ang ilang preso matapos ang babaeng ito ay napansin nilang nanlilisik ang kanyang mga mata.

Nagsasalita rin ito ng hindi malamang lengwahe na tila latin.

Agad inilabas ng mga kapulisan ang babae sa kulungan pero nahirapan ang mga kapulisan na magapi ang babae dahil tila pwersado ito.

Nasa sampung pulis ang umalalay sa kanya para maisakay sa patrol. Makikita sa video na ito ang pag-transport sa kanya sakay sa patrol ng pulis.

Pagdating sa provincial hospital tinurukan ito ng pampakalma pero nasaksihan ng news team na hindi ito tumalab at patuloy na nagsisigaw at nais makawala.

watch video here: https://www.facebook.com/energyfmkalibo107.7/videos/1755466404501432/

May tali ang kanyang mga kamay, paa at bantay sarado ng mga kapulisan ang nasabing babae. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment