Na-rescue ng mga awtoridad ang apat na babaeng menor de edad
na pagala-gala sa bayan ng Numancia dakong alas-8:00 kagabi.
Isinagawa ang operasyon sa isang kubo sa naturang bayan kung
saan madalas nagtatambay ang mga menor de edad.
Napag-alaman na ang mga minor de edad na ito ay nag-iinuman,
nanigarilyo at ibinebenta o “isinusugal” ang sariling laman sa halagang “15/20”.
Tatlo sa mga ito ang taga Poblacion, Kalibo samantalang ang
isa ay taga-Bulwang, Numancia. Pinakabata sa kanila ay 11-anyos at 17-anyos
naman ang pinakamatanda.
Ayon sa pahayag ng mga nahuling minor de edad, may nagyaya
umano sa kanila sa lugar na doon sila tumatambay.
“Caught in the act” pa ang mga kabataang ito nang isagawa ng
mga otoridad ang pagre-rescue sa mga ito.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng barangay council,
Numancia MSWD, at Numancia PNP.
No comments:
Post a Comment