Tuesday, July 03, 2018

JIZMUNDO PORMAL NANG UMUPO BILANG EX-OFFICIO MEMBER NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Pormal nang umupo sa pwesto si Blessie Jizmundo ngayong Lunes bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan.

Si Jizmundo ay nahalal bilang Sangguniang Kabataan Panlalawigan Federation president. Siya ang kakatawan sa mga kabataan at mga youth leader sa buong probinsiya.

Sa kanyang assumption speech sa gitna ng regular session ng Sanggunian, pinahayag niya na malaki ang maiaambag ng mga kabataan sa pag-unlad ng bansa.

Ipinaubaya na sa kanya ang chairmanship sa Sport and Youth Development na dating pinangungunahan ni SP member Jose Miguel Miraflores.

Si Miraflores ay miyembro na nang nasabing komitiba matapos ipaubaya ni SP Teddy Tupas ang posisyon sa kanya.

Nagbigay-daan rin si SP Ramon Gelito kay Jizmundo para maging miyembro ng Women and Family Welfare na pinamumunuan ni SP Lilian Tirol.

Ang 21-anyos na bagong miyembro ng Sanggunian ay ang SK chairperson ng Brgy. Dumaguit, New Washington at SK Federation president ng nasabing bayan.

Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Arts major in Broadcasting. Ito ang unang sabak niya sa public office matapos siyang magtapos sa kolehiyo nong nakaraang taon. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Sunday, July 01, 2018

PATAY NA PAWIKAN NAPADPAD SA TABING-BAYBAYIN NG KALIBO

Napadpad sa babayin ng Caano, Kalibo ang patay na pawikan na ito.

Sa report ng Kalibo PNP nakatanggap sila ng ulat ala-1:30 ng hapon.

Kaya agad nagtungo ang team nila sa lugar kasama ang barangay kapitan ng Caano.

Ang pawikan ay agad na inilibing sa tulong ng Barangay at mga pulis.

LALAKI PATAY MATAPOS MA-HIT AND RUN SA BANGA, AKLAN

Patay ang 17-anyos na lalaki matapos masagasaan ng Toyota Innova sa national highway na sakop ng Linabuan Sur, Banga, Aklan.

Kinilala ang biktima sa pangalang Aaron Pelareja na residente rin ng nabanggit na lugar.

Sa imbestigasyon ng Banga PNP, naglalakad raw ang biktima kasama ang tatlo nitong kaibigan bandang alas kwatro ng umaga, papauwi na ang mga ito mula sa debut party.

Matapos masagasaan ang biktima agad raw tumakas ang suspek.

Samantala agad namang humingi ng tulong sa pulis ang mga kasama nito.

Naisugod pa sa Provincial Hospital ang biktima ngunit binawian rin ng buhay.

Samantala agad na itinimbre ng Banga PNP sa mga kalapit na Municipal PNP station ang pangyayari na nagresulta sa pagkaaresto sa suspek.

Naharang ang sasakyan sa isang check point sa bayan ng Altavas.

Inamin naman ng driver na si Albert Asorio, 41-anyos, taga-Mandaluyong City, ang pangyayari ngunit natakot umano ito kaya hindi sila huminto sa lugar ng aksidente.

Hindi rin aniya nila alam ang pinakamalapit na PNP station para  doon sana sumuko.

Napag-alaman ng news team na kasama ng suspek ang asawa at dalawang anak na magbabakasyon sana sa Maasin Iloilo.

Sa ngayon ay nakakulong na sa Banga PNP station ang suspek habang hinahanda na ang kaukulang kaso./ Archie Hilario, EFM Kalibo