Showing posts with label Madalag PNP. Show all posts
Showing posts with label Madalag PNP. Show all posts

Monday, October 08, 2018

MGA PERANG DONASYON NINAKAW SA LOOB NG SIMBAHAN SA MADALAG, AKLAN!

Kinumpirma ng Madalag PNP ang balitang pinasok raw ng magnanakaw ang simbahan ng Katoliko sa Madalag, Aklan.

Tinangay raw ng di pa nakikilalang suspek ang libo-libong donasyon at pera ng simbahan.

Duda ang pulisya na minor de edad ang mga suspek.

May maliit raw na butas na nakita sa nakakandadong kwarto na pinaglagyan ng pera, na tanging bata lamang ang posibleng kumasya roon.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng PNP para matukoy ang suspek.

Tuesday, July 10, 2018

LALAKI NATAGPUANG PATAY SA BAYAN NG MADALAG; SUSPEK SA PANANAKSAK ARESTADO

Patay na nang matagpuan ng kanyang pamilya ang isang lalaki sa Brgy. Alaminos, Madalag umaga ng Lunes.

Kinilala sa report ng Madalag PNP ang biktima na si Jonald Ventura, 29-anyos, residente ng nabanggit na barangay.

Nagtamo ito ng mga saksak sa katawan. Sa post mortem examination sa bangkay ng biktima, nakitaan umano ito ng saksak sa tiyan, sa likod at sa kilikili.

Huling nakita ang biktima na nakipag-unaman Linggo ng gabi kasama ang kanyang mga barkada.

Bagaman walang nakakita sa krimen, isa sa nakainuman niya na si Randy Nacion ang umamin sa mga otoridad na siya ang sumaksak sa biktima.

Ibinigay rin niya ang kutsilyo na umano'y ginamit niya sa pananaksak sa biktima. Wala naman siyang malalim na dahilan para gawin ang krimen maliban lamang anya sa kalasingan at diskusyon sa inuman.

Nabatid na magkasama pang nag-inuman ang dalawa gabi ng Linggo bago naganap ang insidente.

Nasa pangangalaga na ngayon ng Madalag PNP ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

Tuesday, November 14, 2017

LALAKI TINAGA NG TIYOHIN

Ulat ni kasimanwang Joefel P. Magpusao


Confine sa Provincial Hospital ang biktimang si kasimanwang Stanley Apolinario 29 anyos ng Poblacion, Madalag, Aklan matapos tagain ng sinasabing tiyohin na kinilalang si Fernando Ilino 25 anyos na tubong Brgy. Mercedes ng nasabing bayan.


Ayon sa salaysay ng kamag-anak ng biktima, alas sais ng dapithapon nagsimulang mag-inoman ang dalawa sa mismong bahay ng biktima. Dinayo umano ng suspek ang biktima upang pag-usapan ang paghahanap ng trabaho. Dahil sa kalasingan at hindi pagkakaintindihan, kumuha umano ng itak ang suspek at binalingan ng taga ang biktima.

Mismong asawa ng suspek ang humingi ng tulong sa ilan pa nilang kamag-anak upang madala sa hospital ang biktima. Pinuntahan diumano ng asawa ng suspek ang nasabing suspek upang sunduin at nabigla ito sa kanyang naabotan kaya agad syang humingi ng saklolo.

Dagdag pa ng mga kaanak, nag-iisa lang diumano ang biktima sa kanilang bahay dahil ang live in partner nito kasama ang tatlong anak ay umuwi sa bayan ng Makato sa kanyang ina upang manghiram ng pera.

Nagtamo ng sugat ang biktima sa kaliwang tenga, kaliwang kamay, kanang paa at likod.

Samantalang ang suspek ay nasa kostudiya na ng Madalag PNP at kasalukuyang nagpapagaling sa Madalag District Hospital dahil nagtamo din ito ng sugat sa kanang pisngi.

Nangangailangan ng apat na bag ng dugo na type B ang biktimang si Stanley Apolinario na kasalukuyang nakaconfine sa surgical ward ng Provincial Hospital.

Monday, September 25, 2017

NO. 1 MOST WANTED SA BAYAN NG MADALAG SA KASONG RAPE ARESTADO

ulat ni Darwin Tapaya, Energy FM 107.7 Kalibo

Arestado ang isang 37-anyos na lalaki na most wanted sa bayan ng Madalag sa kasong rape.

Kinilala ang akusado na si Ronald Revelalay y Naig, electrician at residente ng brgy. Singay, Madalag.

Inaresto ng mga kapulisan sa Madalag ang lalaki sa bisa ng warrant of arrest sa kasong rape.

Ang nasabing warrant ay inilabas ng Branch 5 ng Regional Trial Court 6 sa bayan ng Kalibo at nilagdaa ni presiding judge Elmo Del Rosario.

Naaresto ang akusado sa kanilang residesya dakong alas-11:00 ng umaga ngayong araw.

Pansamantalang nakakulong ngayon ang lalaki sa Madalag municipal police station para sa kaukulang disposisyon.

Thursday, August 03, 2017

NO. 1 MOST WANTED BAYAN NG MADALAG, ARESTADO SA CALOOCAN, CITY

Arestado ang no. 1 most wanted ng Madalag PNP sa Caloocan City kahapon.

Ang akusado ay kinilalang si Ruel Nillasca, 39 anyos, tubong brgy. Balactasan, Madalag.

Naaresto ang lalaki sa ikinasang operasyon ng pinagsamang pwersa ng Aklan police Trackers Team, Southern CIDG, Caloocan PNP at Madalag PNP.

Si Nillasca ay naaresto sa Caloocan kung saan siya nagtratrabaho bilang caretaker.

Siya ay nahaharap sa mga kasong murder at two counts of frustrated murder na ibinababa ng Regional Trial Court 6 dito sa Kalibo noong Enero 2012.

Walang itinakdang pyansa ang korte para sa kanyang kinakaharap na kaso. 

Siya ay pansamantalang nasa kustodiya ng Southern CIDG ay nakatakdang dalhin sa Aklan para iharap sa korte.

Tuesday, June 06, 2017

CHINESE NATIONAL NATAGPUANG PATAY SA MADALAG

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Patay na ang isang Chinese national ng makita ng mga kasamahan nito sa barracks ng pinagtatrabahuhang kompanya sa Madalag, dakong alas-8:00 ng umaga .

Kinilala ang biktima sa pangalan na YUANLONG JIN, 33 anyos na residente ng 22 Yeshang Street, Badong City Huvei, China.

Kasalukuyang nagtatrabaho sa China International & Electric Corporation sa so. Liktinon brgy. Ma. Cristina, Madalag, ang nasabing biktima.

Alas-2:30 ng hapon inulat sa Madalag PNP Station ng kasama sa trabaho na si YI HE ang pangyayari.

Nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang Madalag PNP sa kasong ito.