Showing posts with label Kalibo Kalibo PNP. Show all posts
Showing posts with label Kalibo Kalibo PNP. Show all posts

Tuesday, September 05, 2017

MOTORSIKLO NG ISANG GURO SA KALIBO, NINAKAW

ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Tulungan po natin na makita itong motorsiklo ng highschool teacher na si Charisse Cipriano ng Brgy.
Tigayon Kalibo. 

Kumuha po siya ng motorsiklong hulugan para magamit sa pang-araw araw na pagtuturo. 

Naging emosyonal si Maam Cipriano sa kanyang panawagan, kwento nito naglalakad lang raw siya noon para makapagturo kaya nagsumikap na makakuha ng motor, pagkatapos ay nanakawin lamang ng di pa nakikilalang suspek.

Please share po natin at tulungan natin si teacher na mahanap kanyang motorsiklo:

MOTOR NA EURO SPORT 110 
Color: Apple Green 
Plate number: FC 35369

Friday, July 14, 2017

PULIS NA BINUGBOG NG 2 LALAKI, PURSIGIDONG MAGSAMPA NG KASO SA MGA SUSPEK

ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Pursigido ang 34-anyos na pulis na binugbog ng dalawang binata Miyerkules ng hapon sa Pastran st., Kalibo na magsampa ng kaukulang kaso laban sa mga suspek.

Ayon kay PO3 Vedasto Nabor IV, imbestigador ng kaso, ngayong araw ay nakatakdang sumailalim sa inquest proceeding ang mga suspek.

Inihahain na anya ang mga kasong direct assault at physical injury laban kina Johnly Cresencio, 23, taga-Jalas, New Washington at Aikim Borla, 18, taga-C. Laserna St., Kalibo.

Magugunita na gusto lamang umawat ng biktimang si PO2 Shakey Jack Flores sa nag-aaway na mga suspek nang pati siya ay pagtulungang bugbugin ng mga ito.

Nasaktan rin ang kanyang misis na isa ring pulis na kasama niyang umuwat sa dalawa sa kabila na nagpakilala sila na mga pulis.

Todo hingi naman ng tawad ang mga suspek sa mag-asawa at iginiit na hindi agad nila sila nakilala na mga pulis.

Nabatid na nag-ugat ang away ng dalawa sa isang 16-anyos na babae na kasama rin nila ng maganap ang nasabing insidente.