Showing posts with label Department of Labor and Employment. Show all posts
Showing posts with label Department of Labor and Employment. Show all posts

Wednesday, January 30, 2019

Taas-sahod sa Isla ng Boracay epektibo na ayon sa DOLE-Aklan

photo Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo

KALIBO, AKLAN – [updated] Epektibo na simula Enero 27 ngayong taon ang regional wage increase sa Boracay, tatlong buwan pagkatapos ng muling pagbubukas ng Isla.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) – Aklan officer-in-charge Carmela Abellar minomonitor na nila ngayon ang mga establisyemento sa Isla para masigurong nasusunod ito.

Mababatid na noon pang Hulyo 12 epektibo ang Wage Order No. RBVI-24 sa buong Western Visayas maliban lamang sa Aklan at sa Isla ng Boracay.

Umapila noon ang mga employer sa Aklan at sa Boracay na ipagpaliban ang implementasyon ng wage order dahil sa pagsasara ng Isla na tumagal ng anim na buwan.

Napagkasunduan noon ng DOLE-6’s Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-6) na ang regional wage increase sa Aklan ay ipatutupad simula sa buwan ng Nobyembre.

Magiging epektibo naman ang wage order sa Isla tatlong buwan matapos itong isinara sa mga turista para sa malawakang rehabilitasyon. Nagbukas ang Boracay Oktobre 26 noong nakaraang taon.

Batay sa wage order ang mga manggagawa sa rehiyon ay makatatanggap  ng arawang sahod mula Php295 hanggang Php365. Ang dating sahuran ay nasa Php271.50 hanggang Php323.50.

Hinikayat naman ni Abellar ang mga manggagawa na iulat sa kanilang tanggapan ang mga lumalabag na employer o kompanya para sa kanilang aksiyon.##

- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

Friday, November 09, 2018

4,914 Workers Participated in DOLE’s COPE Training

Kalibo, Aklan. The Department of Labor and Employment (DOLE) Aklan Field Office facilitated the conduct of 16 sessions of the Compensation, Occupational Safety and Health, and Productivity for Employment (COPE) Training last September 2018. It was attended by a total of 4,914 formal sector workers from the different municipalities of Aklan as well as the neighboring provinces of Antique and Capiz, who were displaced, suspended and retained due to the temporary closure of Boracay Island.

The COPE Training is an initiative of DOLE Region 6 in partnership with Employee’s Compensation Commission (ECC), Occupational Safety and Health Commission (OSHC), and Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB). It aims to raise awareness to participants on their ECC Benefits, occupational safety and health tips from OSHC, and on how to increase their productivity at work with the presentation from the RTWPB.

COPE was also implemented to help the beneficiaries and applicants of BEEP Adjustment Measures Program (BEEP AMP) comply with the conditional requirements of the program to avail of its benefits. Under the program’s guidelines, qualified applicants have to submit two job contacts and one training certificate.

It should be remembered that BEEP AMP was implemented to mitigate the adverse economic impact of the temporary closure and rehabilitation of the Boracay Island. The program provided financial support, employment, livelihood and training to formal sector workers.

The COPE Trainings were conducted on the following dates and venues:
Boracay Holiday Resort, Boracay, Malay, Aklan  –  September 12 – 13, and 19 – 20
Caticlan Covered Court, Caticlan, Malay, Aklan  –  September 14 and 21
ABL Sports Complex, Kalibo, Aklan –  September 25 – 26

- DOLE 6

Thursday, June 14, 2018

DAGDAG SAHOD, INAPRUBAHAN NG WESTERN VISAYAS WAGE BOARD

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) sa Western Visayas ang panukalang taasan ang sahod para sa pribadong sektor.

Sa pulong balitaan sa Sugar Workers Development Center sa Bacolod City ay inanunsyo ni RTWPB Region 6 Chairman Johnson CaƱete na P365 na ang minimum wage kada araw sa rehiyon.

Sa ilalim ng Wage Order No. 24, ang naturang halaga ay ipasasahod sa mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga kumpanyang mayroong 10 empleyado pataas.

Habang P295 na ang arawang sahod ng mga manggagawa na nagtatrabaho sa mga kumpanyang mayroon lamang mas mababa sa 10 empleyado.

Para naman sa sektor ng agrikultura, makakatanggap ang mga empleyado ng P295 na sahod kada araw.
Ibig sabihin nadagdagan ng P23.5 hanggang P41.50 ang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon.

Ang mga nabanggit na taas sweldo ay mas mababa sa kahilingan ng mga labor groups.

Nakasaad kasi sa petisyon ng mga labor group na itaas ng P130 hanggang P150 ang arawang sahod ng mga manggagawa.

Inaasahang ipatutupad ang naturang wage hike sa rehiyon sa Agosto.

Kinakailangan pa muna kasi itong suriin ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) bago pa dalhin sa Department of Labor and Employment (DOLE) para aprubhan ni DOLEC Secretary Silvestre Bello III./ Radyo INQUIRER

Thursday, May 10, 2018

PANGULONG DUTERTE, IPINAG-UTOS ANG PAGLABAS NG P448M AYUDA PARA SA BORACAY WORKERS

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paglalabas sa P448 milyong pondo para sa assistance program ng Department of Labor and Employment (DOLE) para sa halos 18,000 manggagawang apektado ng pagsasara sa Boracay Island.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, ipamamahagi sa ilalim ng Adjustment Measures Program (AMP) ang ayudang aabot sa 50 percent ng umiiral na minimum wage sa rehiyon sa mga manggagawa mula ngayong buwan hanggang sa Oktubre.

Ani Bello, ang naturang hakbang ay bahagi ng Boracay Emergency Employment Program (BEEP) para sa mga apektadong manggagawa.

Sa ilalim ng BEEP ay may ayuda ang DOLE sa formal sector workers, maaaring magsagawa ng emergency employment para sa mga manggagawa sa informal sector, magbukas ng government internship programs at iba pa.

Maiging nakikipag-ugnayan ang DOLE sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng DSWD, DTI, TESDA at iba pa upang matugunan ang pangangailangan ng mga apektadong manggagawa./ Radyo INQUIRER

Thursday, March 08, 2018

DOLE PINAGHAHANDAAN NA ANG POSIBLENG EPEKTO SA MGA EMPLEYADO KAPAG IPINASARA ANG BORACAY

Kasalukuyan nang nagpa-plano ang Department of Labor and Employment (DOLE) kung ano ang maibibigay nilang tulong sa mga empleyadong lubhang maaapektuhan oras na matuloy ang pagpapasara sa Boracay Island.

Ayon kay Labor Usec. Joel Maglunsod, naghahanap na sila ng maaring ibigay na alternatibong trabaho sa mga empleyado.

Iaalok aniya ng DOLE sa mga maaapektuhang empleyado ang kanilang emergency employment program o livelihood assistance.

Kabilang sa mga maari din aniyang gawin ng mga ito pansamantala ay ang pagtulong sa paglilinis sa Boracay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito, na malamang na dahilan ng pagpapasara ng isla.

Tinatayang aabot sa 17,000 ang mga maapektuhan sakaling ipasara ang isla, pero tiniyak ni Maglunsod na mababayaran ng mandatong minimum wage ang mga ito sa kanilang magiging mga pansamantalang trabaho.

Ngayon inaasahang magkakaroon ng pagpupulong ang DOLE Western Visayas at Boracay Industry Tripartite Council para mas ma-plano ang pagpapasara sa isla. - Radyo INQUIRER