Patay ang dalawang lalaki sa Isla ng Boracay matapos silang pagbabarilin Byernes ng hating gabi sa Sitio Pinaungon, Brgy. Balabag.
Kinilala sa report ng pulisya ang mga biktima na sina Melchor Almeria at Samuel Moral, pawang nagtratrabaho sa Isla at tubong Iloilo.
Ayon sa inisyal na report ng Boracay Tourist Assistance Center, tatlong hindi pa nakikilalang mga lalaki ang nakitang responsable sa pamamaril sa mga biktima.
Ayon sa waitress, nagkainitan umano ang mga biktima at dalawa pa nilang mga kasama at ang mga suspek dahil lamang sa nakaharang na sasakyan sa kalsada.
Maya-maya pa ay sunod-sunod na putok na ng baril ang narinig at nakita na lamang na nakabulagta na sa kalsada ang dalawang biktima.
Hinabol pa ng tatlong mga naka-off duty na pulis ang mga suspek pero mabilis itong nakalayo sa lugar.
Dinala pa sa magkahiwalay na pagamutan ang mga biktima pero hindi na umabot ng buhay si Moral samantalang binawian rin agad ng buhay si Almeria habang ginagamot.
Nagtamo ang dalawa ng multiple wounds dahilan ng kanilang pagkamatay.
Pinaniniwalaang caliber 12 shotgun ang ginamit sa pamamaril base narin sa mga ebesensyang narekober sa lugar.
Inaalam pa ngayon ng mga kapulisan ang motibo sa likod ng krimen at pagkakakilalan ng mga suspek.
Showing posts with label Boracay Tourist Assistance Center. Show all posts
Showing posts with label Boracay Tourist Assistance Center. Show all posts
Saturday, March 03, 2018
Monday, February 12, 2018
KOREAN NATIONAL ARESTADO MATAPOS MANGHIPO SA ISANG BABAENG NAKAHIGA SA BEACH NG BORACAY

Kinilala sa report ng Boracay Tourist Assistance Center ang suspek na si Ohjaeh O, 32-anyos.
Kinilala naman ang biktima na si Arailyn Amangeldi, 25, Kazakhstan National.
Napag-alaman na nagrerelax ang biktima habang nakahiga sa front beach sa Station 2 nang maganap ang insidente.
Salaysay ng biktima sa kapulisan, nilapitan siya ng suspek at hinipuan umano sa masilang bahagi ng katawan.
Sa gulat ng biktima sinipa at sinuntok niya ang suspek pero gumanti ito at binugbog ang biktima.
Nagtamo ng malubhang sugat sa bibig ang biktima samantalang naaresto naman ng mga tao ang suspek.
Nakakulong na ngayon ang Korean National sa BTAC at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.
Saturday, October 28, 2017
APARTMENT SA BORACAY NINAKAWAN TANGAY ANG PHP500K; ISA SA MGA SUSPEK ARESTADO
Ninakawan ang isang apartment sa So. Angol, Brgy. Manocmanoc sa Isla ng Boracay Huwebes ng madaling araw (Oct. 26).
Nakunan naman ng cctv ang nasabing insidente. Inakyat at pinasok ng dalawang suspek ang kwarto ng mag-asawa habang natutulog.
Kinilala ang biktima na si Crisanta Petersen, 46, at tubong Ibajay kasama ang asawang foriegn national.
Ayon kay PO3 Chris John Nalangan, imbestigador, natangay ng mga suspek ang nasa Php300,000, mga alahas, cellphone at iba pang karensiya na tinatayang aabot ng kalahating milyon.
![]() |
Recto Retos (Arrested) |
Sa follow-up operation naaresto ang isa sa mga suspek na kinilalang si Recto Retos y Salibio, 30, tubong Kalibo at kasalukuyang nagtratrabaho bilang habal-habal driver sa Boracay.
Narekober sa kanyang boardinghouse sa Sitio Cabanbanan, Brgy. Manocmanoc ang Php70,000 at cellphone na ninakaw sa nasabing mga biktima.
Patuloy pang tinutugis ng mga kapulisan ang isa pa niyang kasama.
Tuesday, October 24, 2017
CHINESE NA NAGBEBENTA NG MGA PEKENG GADGET SA ISLA NG BORACAY, NAHULI NA

Kinilala ito na si Yuzhuan Wang, 55-anyos, base sa kanyang pasaporte.
Narekober sa kanya ng mga kapulisan ang umano’y tatlong pekeng mga brand ng laptop.
Ayon sa Boracay Tourist Assistance Center, sasabihin umano niya sa kayang mabibiktima na natalo siya sa casino at kailangang-kailangan niya ng pera.
Magmamakaawa umao ang nasabing foreign national na bilhin ang kanyang mga laptop sa kasing baba ng Php10,000.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng mga kapulisan ang pagharap ng mga biktima para kilalanin ang nasabing suspek para sampahan ng kaukulang kaso.
Nanawagan ang mga kapulisan na kung sino man ang nabiktima ng foreigner ay dumulog lamang sa tanggapan ng BTAC.
Monday, September 11, 2017
KOREANA NASALISIHAN SA LOOB NG ISANG FAST FOOD CHAIN SA BORACAY
ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Sa report ng Boracay Tourist Assistance Center, naganap ang insidente kahapon mag-aalas-6:00 ng gabi habang naghihintay ng kanyang tourguide ang nasabing biktima.
Ayon kay PO1 Santi Jarloc, kinilala ang nasabing turista na si Lee Nam Young. Nalingap lamang umano ang turista nang kunin sa kanya ang bag na nakalagay sa mesa.
Sinabi ng turista, laman ng kanyang bag ang nasa 316 US dollar, Php50,000 at 60,000 Korean money, at mga mahahalagang gamit at dokumento.
Nakunan umano ng CCTV footage ang insidente ayon kay PO1 Jarloc at sa ngayon ay nagpapatuloy umano ang imbestigasyon para sa ikadarakip ng suspek.
Monday, August 28, 2017
DALAWA SUGATAN MATAPOS PAGBABARILIN NG DI PA NAKIKILANG SUSPEK SA BORACAY
ulat ni Archie Hilario, Energy FM 107.7 Kalibo

Kinilala ang mga biktima sa pangalang Edlyn Catilla Padilla ,19-anyos na taga Bacolod City, Roquito Pagayon Tumbagahan39, na taga-Ibajay, Aklan.
Isinugod naman agad sa hospital ang mga biktima at stable na ang kalagayan ng mga ito.
Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na agawan sa lupa ang motibo ng insidente.
Samantala nagpapatuloy naman ang imbestigayon ng pulisya sa insidenteng ito.
Subscribe to:
Posts (Atom)