Showing posts with label Armed Forces of the Philippines. Show all posts
Showing posts with label Armed Forces of the Philippines. Show all posts

Thursday, August 17, 2017

PMA ENTRANCE EXAM SA NVC SA KALIBO SA AGOSTO 20

Ang Philippine Military Academy (PMA) ay magsasagawa ng entrance examination sa darating na Agosto 20, Linggo, alas-7:30 sa Northwestern Visayan Colleges (NVC) dito sa bayan ng Kalibo.

Ang entrance exam na gaganapin sa 40 examination center sa buong bansa ay unang hakbang sa selection process para makapasok sa nasabing training school.

Ang mga kadete na makakapasok rito ay maeenjoy ang buong iskolarsyip ng pamahalaan at walang anumang babayaran sa kanilang training sa akademya.

Ang magtatapos sa training sa Bachelor of Science Degree ay komisyon na bilang 2nd Lieutenant at Ensigns ng Armed Forces of the Philippines. 

Ang eksam ay bukas sa lahat, edad 17 hanggang 22 anyos, single at hindi pa nakapag-asawa o buntis.

Dapat ay  walang anumang kaso administratibo o criminal, at dapat ay 5 feet pataas ang taas para sa baae at lalaki.

Magdala lamang nng NSO birth certificate, high school form 137 o 138.

Thursday, August 03, 2017

12 INFANTRY BATTALION NG PHILIPPINE ARMY SA AKLAN MAY BAGO NANG KOMANDER

Opisyal nang umupo sa pagiging komander ng 12 Infantry Battalion ng Philippine Army sa probinsiya ng Aklan si Lt. Col. Vener Morga.

Ginawa ang turn-over of command sa Camp Major Jesus M. Jiszmundo sa Brgy. Libas, Banga kahapon ng umaga.

Si Morga ay namuno sa 82nd Infantry Battalion simula noong Oktubre 17, 2016 sa Camp Monteclaro, Miagao, Iloilo. 

Siya rin ang dating executive officer ng 301st Infantry Brigade sa Dingle, Iloilo bago siya matalaga sa Miagao.

Labis naman ang pasasalamat ng dating komander na si Lt. Col. Leomar Jose Doctolero sa lahat ng Aklanon, sa mga opisyal ng pamahalaan at iba pang sektor na sumuporta sa kanyang liderato.

Ipinagmalaki naman ni Doctolero na sa kanyang paglilingkod sa Aklan sa nakalipas na isang taon at isang buwan ay nanatiling insurgency free ang probinsiya.

Ang dating komander ay madedestino sa Camp General Emilio Aguinaldo headquarters sa Quezon City.

Thursday, June 22, 2017

WESTERN VISAYAS, ‘MAUTE FREE REGION’ AYON SA PNP

Ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Nanawagan ang Police Regional Office 6 sa taumbayan na itigil ang pag-post at pagbabahagi ng mga maling impormasyon sa social media.

Paliwanag ng PRO6, ang mga maling imprmasyon ay nagdudulot ng panic. Binigyang diin naman ng pulisya na ‘Maute free region’ parin ang Western Visayas.

Kontralado parin umano ang peace and order at seguridad sa rehiyon sa kabila ng kaguluhang dulot ng mga terorista at mga rebeldeng grupo sa lungsod ng Marawi.

Sinabi ng PRO6, nakatalaga na sa buong rehiyon ang pinagsamang pwersa ng mga kapulisan at Armed Forces of the Philippines.

Pinasiguro pa ng mga awtoridad na pinaigting na nila ang police visibility sa mga mall, simbahan, paaralan at iba pang matataong lugar para magbantay laban sa mga masasamang elemento.

Patuloy rin anya silang nakikipag-ugnayan sa mga private security agency at iba pang ahensiya ng gobeyerno.

Iniutos narin sa mga unit commander na makipagtulungan sa mga Muslim community at para sa pagkilala sa mga bakwit mula sa Marawi o sa Mindanao.


Sa kabila nito, nanawagan ang mga kapulisan sa taumbayan na manatiling mapagmatyag at agad ireport ang mga kahina-hinalang tao sa kanilang lugar.