Friday, May 17, 2019

Lalaking nakainom nabundol ng van habang tumatawid sa highway sa Nabas


NABUNDOL NG van ang isang laki sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Gibon, Nabas gabi ng Huwebes.

Ayon kay PCorp. Melvin Alba, imbestigador ng Nabas PNP, tumatawid ng kalsada si Blas Santillan, 57-anyos, residente ng nasabing lugar, nang mabundol ito ng van.

Napag-alaman na nakainom ang pedestrian.

Kinilala ang driver ng pampasaherong van na si Emelio Tobias Jr., 55, residente ng Brgy. Caticlan, Malay. Galing ng Caticlan ang menamaneho niyang van patungo sanang Kalibo.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon sa kalsada ang pedestrian at nagtamo ng malubhang sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan. Basag ang windshield ng sasakyan.

Ayon kay Corporal Alba, tinulungan naman ng driver ang nasagasaan na madala sa Rural Health Center ng Nabas sakay ng kanyang sasakyan. 

Pagkarating doon ay dinala naman ng mga tauhan ng MDRRMO ang sugatan sa Ibajay District Hospital at kalaunan ay inilipat sa ospital sa Kalibo. 

Sinabi ni Alba na batay sa salaysay ng driver ng van may nakasalubong umano siyang isang sasakyan na nakakasilaw ang ilaw kaya hindi niya nakita ang tumatawid na lalaki.

Posible naman umanong magkaayos ang magkabilang panig matapos mangako ang driver ng van na tutulong sa gastusing medikal ng biktima.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment