Nanawagan ang Sangguniang Bayan ng Kalibo sa mga awtoridad
na paigtingin ang kanilang kampanya sa pagsugpo at paghuli ng mga sasakyang
bumubuga ng sobrang usok.
Hiniling rin ng Sanggunian sa pamunuan ng
Department of Transportation, Land Transportation Office at sa mga traffic
enforcer ng Kalibo municipal police station na palawigin pa ang pagbibigay
impormasyon tungkol sa Batas Pambansa blg. 8749 o Clean Air Act.
Kaugnay rito, nagpasa rin ng resolusyon ang konseho na
humihiling sa mga accredited smoke testing providers sa Kalibo na istriktong
ipatupad ang pagsasagawa ng smoking emission test sa lahat ng mga sasakyan sa
Kalibo.
Plano rin ng pamahalaang lokal ng Kalibo na bumili ng smoke
meter machine na gagamitin ng traffic enforcers para sa random on site checking
sa mga sasakyang bumibiyahe rito.
Nakatakda naring magsagawa ng pinaigting na kampanya ang
Transport and Traffic Management Unit ng Kalibo para masugpo ang smoke belching
sa bayang ito.
No comments:
Post a Comment