Binuksan na sa publiko ngayong araw ang Tinda Turismo ng Aklan Provincial Tourism Office sa isang mall dito sa bayan ng Kalibo. Tampok rito ang mga produktong likha ng 10 kalahok mula sa iba-ibang bayan ng Aklan.
Idinisplay ng bayan ng Buruanga ang ilan sa kanilang mga produkto tulad ng mga bags na yari sa buri at mga pagkaing gaya ng puto at minatamis na niyog o bukarilyo.
Nagdala din ang bayan ng Malinao ng mga produktong yari sa abaka gaya ng mga bags, sandals, wallets, at iba pa.
Ibinida naman ng mga taga-Lezo ang dragon fruit na karaniwang matatagpuan sa Brgy. Poblacion ng nasabing munisipalidad.
Iba’t-ibang mga local delicacies at mga gamit tulad ng bags na gawa sa mga inipong used plastic bags ng mga miyembro ng samahan ng mga kababaihan at hinabi ang ipinakita ng Kalibo.
Atsarang gutaw, chicharong baboy, at mga produktong yari sa nito naman ang ipinagmamalaki ng Madalag sa puwesto.
Naging panauhing pandangal sa nasabing pagpapasinaya ay si Officer-in-Charge Ma. Carmen Ituralde ng Department of Trade ang Industry-Aklan.
Binigyang pugay rin sa maiksing programa ang tatlong photographers na ang mga larawang kuha na nagtatampok ng mga magagandang tanawin ng probinsiya ay ginawang commemorative post card ng Aklan. Ang mga ito ay sina Lowell Rogan, Bart Baylon, at Arnold Peralta.
Ayon kay Roselle Ruiz, Tourism Officer ng Aklan, ang layunin ng aktibidad na ito ay mapayabong at maiangat ang mga small at micro businesses ng mga kababayang Aklanon.
Ang proyektong ito ay bahagi ng selebrasyon ng Provincial Tourism ngayong Tourism Week at magtatagal hanggang sa Linggo.
No comments:
Post a Comment