Bumaba umano ng 13.5% ang crime rate sa probinsya ng Aklan.
Ayon sa Aklan Police Provincial Office (APPO), mula sa Enero hanggang Agosto 2016, ay umabot sa 7,615 ang mga naitalang krimen.
Mas mababa ito sa 8,808 na bilang ng mga naitalang krimen sa kaparehong buwan noong nakaraang 2015.
Ngunit sa kabila ng pagbaba ng bilang ng mga krimeng nagaganap ay nananatiling mahigpit na nagbabantay ang kapulisan sa mga maaaring mangyari sa probinsya.
Ang nasabing pagbaba ng bilang ng mga krimen na nagaganap sa probinsya ay sanhi ng pinaigting na pagpapatupad ng “Project Double Barrel” ng Philippine National Police (PNP).
No comments:
Post a Comment