ARESTADO ANG isang 20-anyos na lalaki sa Makato, Aklan matapos mahulihan na nagdadala ng baril at mga bala ng walang kaukulang dokumento.
Kinilala ang suspek na si Alfred Kim Magallanes y Almanon, ng Roxas City, Capiz.
Nabatid na nagpapatrolya ang ilang tauhan ng Makato Municipal Police Station dakong 10:40 kagabi sa Brgy. Poblacion para magpatupad ng curfew nang mahuli nila ang suspek.
Napansin umano ng kapulisan ang tatlong lalaki na nakatambay sa waiting shed na dali-daling sumakay sa isang motorsiklo.
Naabutan umano ng kapulisan ang tatlo at hinanapan sila ng mga ID. Binuksan ng suspek ang kanyang bag at tumambad sa kapulisan ang 38 caliber revolver na may kasamang tatlong live ammunition.
Paliwanag ng suspek na pinadala lamang sa kanya ang baril ng kilala niyang guwardiya. Pupunta sana siya kasama ang dalawang iba pa sa isang okasyon sa Makato.
Inaresto ng Makato PNP ang suspek at pansamantalang ikinulong sa lock-up cell at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
Friday, July 19, 2019
Daeaga eumumpat sa tricycle matapos daehon sa konspisoyo nga lugar
![]() |
File photo / Energy FM Kalibo |
SANGKA 19-ANYOS nga baye ro eumumpat sa anang ginasakyan nga tricycle matapos nga gindaea imaw it driver sa sangka 'suspesyoso' nga lugar sa banwa it Kalibo.
Do nasambit nga baye hay nagsakay kuno sa sangka tricycle halin sa Aklan Catholic College sa Archbishop Reyes St. ag manaog kunta sa ACC sa Roxas Avenue Extension.
Sa una may nakasakay kuno imaw nga sambilog nga nagpanaog sa PhilHealth Office sa D. Maagma St. pero sa pihak nga idiretso imaw sa eskwelahan hay gindaea ta kuno imaw sa sangka suspesyoso nga lugar sa Magdalena Village sa Brgy. New Buswang, Kalibo.
Suno pa sa estudyante ngara nangawa kuno imaw nga owa ta it katawo-tawo sa nasambit nga lugar ag naghambae pa kuno ro driver kana nga "malibot-libot anay kita ne".
Kinuebaan kuno ro baye ngara rason nga eumumpat imaw sa tricycle ag dumaeagan. Natabu ro insidente kahapon ag rayang adlaw imaw nagreklamo sa Kalibo PNP.
Suno kay PSSgt. Chris Paul Alejandro, imbestigador, nabuoe man ta it baye ro body number it tricycle ag natumod eon ro driver.
Nakataeana sigon nga ipatawag ro tricycle driver sa police station agud mabue-an man imaw it pagpahayag.##
"Toy Concours" gaganapin sa Kalibo
Sa mga toy collector o mga gunplay enthusiasts, ito na ang pagkakataon niyong ipamalas ang inyong talento.
Isang Toy Snapshot Contest kasi ang gaganapin dito sa baya ng Kalibo sa darating na Agosto 3 hanggang 5.
Sa contest na ito ay ipapakita ng mga kalahok kung paano bigyan ng buhay ang kanyang mga toy collection sa larangan ng photography.
Kasabay nito ay mayroon ding Gunpla Fun Build Off Contest. Dito ay ipapamalas naman ng mga kalahok sa iba kung paano ang tama at wastong paraan ng pagbuo ng Gundam Model Kit na nakaka-tuwang gawin.
Ang mga patimpalak na ito ay bahagi ng “1st Kalibo Toy Concours” na inorganisa ng grupong Hobbies Articulated Verse at ng Panay Toy Collection Hub na gaganapin sa CityMall Kalibo.
Magkakaroon din ng raffle draw kung saan ang mga kalahok ay may pagkakataong manalo ng iba't ibang toy collections mula consolation prizes at main prizes.
Maaaring makipag-ugnayan sa HAV Toys kung paano makasali at para sa karagdagan impormasyon.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Subscribe to:
Posts (Atom)