Saturday, November 03, 2018

Dating konsehal ng Malay nagpahayag kaugnay ng anomaliya sa fees sa Boracay

NAGLABAS NG pahayag ang dating konsehal ng Malay kaugnay ng kasong isinampa umano sa kanya ng National Bureau of Investigation nitong nakaraang linggo.

Una nang naibalita na ilang mga dati at kasalukuyang opisyal ng nasabing bayan ang sinampahan ng kaso ng NBI dahil sa umano'y anomaliya sa paggamit ng koleksyon ng environment fee sa Boracay.

Ayon sa broadcaster na si Jonathan Cabrera, kasama siya sa mga dating opisyal na sinampahan ng kaso. Handa umano siyang sagutin ang naturang kaso.

Sa kanyang facebook post, ito ang bahagi ng kanyang naging pahayag:

Meron nang Environmental Fee bago pa man ako naging konsehal noong 2010-2013.

Bilang Legislator, wala akong direktang partisipasyon sa koleksyon, pagremit at paggastos nito dahil ito ay nasa Executive departments na functions.

Ginawa ko rin ang oversight function namin dito sa pamamagitan ng pagpuna sa treasury department na dapat icorrect ang mga pagkakamaling nakikita ng Commission on Audit sa kanilang Annual reports at sundin ang mga rekomendasyon nito.

Aktibo rin akong nakibahagi sa mga usapin sa Munisipyo na may kinalaman sa paggastos ng pundo na nanggagaling sa Environmental Fee.

Sa ngayon, hindi ko pa alam kung ano ang specific na kaso na isinampa ng NBI sa akin dahil hindi pa ako nakakatanggap ng kopya nito.

Naniniwala ako sa due process of law at maipapaliwanag ko ang aking sarili sa Ombudsman sa takdang panahon...

Sinabi ni Cabrera na siya umano ang naghanap ng paraan para malaman kung sinu-sino ang mga kinasuhan ng NBI maliban sa kasalukuyan at dating mayor.

Ito ang inilabas niyang mga pangalan ng mga kinasuhan:

Former Mayor John Yap
Mayor Ceciron Cawaling
Former Vice Mayor Wilbec Gelito 
Vice Mayor Abram Sualog

Sanggunian Bayan members:
Jupiter Gallanero 
Natalie Paredes
Dante Pagsuguiron 
Floribar Bautista
Danilo delos Santos

Former SB members:
Rowen Aguirre
Jonathan Cabrera
Esel Flores
Leal Gelito
Paterno Sacapaño Jr.
Julieta Aron
Gideon Siñel
Cristina Prado
Mateo Tayco
Roldan Casidsid
Niño de Sullan
Charlie Villanueva

Municipal treasurer Dediosa Dioso at 11 collectors.

Friday, November 02, 2018

MAYOR AT DATING MAYOR NG MALAY SINAMPAHAN NG KASO DAHIL SA “MISUSE OF FEES”

NAGHAIN NG mga kasong graft at malversation ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa dati at kasalukuyang mga opisyal ng Malay.

Ang kaso na inihain sa Office of the Ombudsman nitong Martes ay kasunod umano ng “misuse” sa milyun-milyong koleksyon sa environmental fees mula sa mga turitang bumibisita sa Boracay mula 2009 hanggang 2017.

Kabilang sa mga kinasuhan ay ang suspendidong alkalde na si Ceciron Cawaling, dating mayor John Yap, dating vice mayor Wilbec Gelito at 18 former at incumbent councilors.

Kasama rin sa kinasuhan ang municipal treasurer na si Dediosa Dioso at 11 town collectors.

Base sa report, sinabi ng NBI-National Capital Region, ang koleksiyon umano ng Malay sa environmental at administration fees (EAF) ay ginamit ng hindi wasto.

Nakita ng NBI mula 2012 hanggang 2017 ang discrepancy na Php30,678,920.73 sa report na isinumite ng dalawang treasury officials.

Umabot naman sa Php84,860,570 ang nakitang discrepancy ng NBI sa report na isinumite ng municipal tourism office sa parehong period.

Una nang ikinatwiran ni Cawaling na ang discrepancy sa koleksiyon ng Php75 na environmental fee sa mga turista ay dahil sa mga exemption kagaya kung ang turista ay bata, senior citizen o Aklanon.

Nagsimula ang imbestigasyon ng NBI kasunod ng pagsasara ng Isla ng Boracay noong Abril.##

Thursday, November 01, 2018

TATLO ARESTADO MATAPOS MAHULING HUMIHITHIT NG MARIJUANA SA KALIBO

ARESTADO ANG tatlong lalaking ito makaraang maaktuhan ng mga otoridad na humihithit ng marijuana madaling araw ng Huwebes sa Brgy. Pook, Kalibo.

Kinilala sa report ng kapulisan ang tatlo na sina Joemarie Perez, 32-anyos, tubong Iloilo, residente ng Brgy. Poblacion, Kalibo; Kevin Panagsagan, nasa legal na edad, residente Cubay Sur, Malay at; Kevin Bello, 39, tubong Iloilo, residente ng Brgy. Andago, Kalibo.

Nabatid na unang napansin ni Kagawad Lud Pinos ang mga nasabing grupo na humihihithit habang naglalakad. Agad niyang itong inireport sa Kalibo PNP at naaresto ang tatlo na mga miyembro umano ng isang music band.

Kabilang sa mga nasabat sa tatlo ang isang improvised na pipe na may residue pa ng pinaniniwalaang marijuana at isang plastic sachet na may lamang marijuana.

Nakakulong na ngayon ang tatlo sa Kalibo PNP Station at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##

-Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy Fm 107.7 Kalibo