Ang Energy FM Kalibo ay nalulungkot sa pagpanaw ng aming kasama sa larangan ng pamamahayag - Danny Fajardo, founder ng kilalang pahayagang panrehiyon - Panay News at isa sa mga haligi ng pamamahayag sa Western Visayas.
Monday, September 10, 2018
Sunday, September 09, 2018
BANGKAY NG ISANG LALAKI NATAGPUAN SA TABING BAYBAYIN SA NABAS

Kinilala ang biktima na si Edmar Bentoso, 22-anyos, laborer ng DATEM Inc. sa Brgy. Union at tubong Sitio San Juan, Brgy. San Roque, Libertad, Antique.
Batay sa paunang ulat ng Nabas PNP, unang nakita ni Romeo Baricautro ang nasabing biktima.
Agad umano siyang humingi ng saklolo sa guwardiya sa Caticlan Airport malapit lang sa lugar na sila namang nagpaalam sa mga kapulisan.
Hinango ang bangkay sa tubig at isang pagsisiyasat ang ginawa ng SOCO sa lugar at sa katawan ng biktima.
Nakitaan umano ito ng mga sugat sa ulo, mata, bibig at mga galos sa dibdib. May mga dugo rin umanong nakita sa buhangin.
Narekober ng mga otoridad sa kanyang pantalon ang cellphone, lighter, at wallet na may mga lamang pera, payslip at ID.
Dinala na sa isang punerarya ang biktima at nakatakdang isalalim sa post mortem at autopsy examination upang matiyak ang dahilan ng kanyang pagkamatay.
Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Nabas PNP hinggil sa nasabing kaso.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
LALAKI TINAGA, PATAY SA BAYAN NG MADALAG NG KANYANG MANUGANG

Kinilala ang biktima na si Junie Seleno, 51-anyos samantalang ang suspek ay si Jernel Narce, parehong mga residente ng Brgy. Medina, Madalag.
Ayon kay SPO2 Abdon Demateo, imbestigador ng Madalag PNP, naganap ang insidente nang magkita ang dalawa sa Bgry. Dit-ana habang nangangahoy.
Inamin ng suspek ang nagawang krimen at boluntaryong sumuko sa mga otoridad. Nabatid na may dati silang di pagkakaunawaan.
Napag-alaman na nasa pitong buwan nang magkahiwalay ang anak ng biktima sa suspek.
Nagtamo ng malubhang sugat ng pagtaga sa leeg ang biktima dahilan ng agaran niyang kamatayan.
Isinuko rin ng suspek sa kapulisan ang sugar cane cutter o "ispading" na ginamit sa krimen.
Nakakulong na ngayon sa Madalag PNP Station ang suspek at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Subscribe to:
Posts (Atom)