Saturday, June 01, 2019

Babaeng Chinese National naligtas matapos magtangkang tumalon sa isang gusali


NARISCUE NG mga kapulisan ang isang Chinese National na babae makaraang magtangkang tumalon sa bubungan nga three-storey building.

Nabatid na kagabi nagtungo sa Kalibo PNP Station ang nasabing babae at dito ay inalam ng kapulisan ang kaniyang problema sa tulong ng isang negosyanteng Chinese bilang interpreter.

Napag-alam na nakakaranas umano ng mental illness ang nasabing 34-anyos na banyaga.

Dinala ito ng kapulisan sa isang traveller's inn kagabi matapos na mapakalma ito habang nakikipag-ugnayan na sila sa kinauukulan para makauwi ang babae.

Laking gulat nalang ng mga dumaraan ngayong umaga nang nakita nila ang babae na nasa bubungan na ng nasabing traveller's inn at tangkang tumalon.

Agad namang rumesponde ang kapulisan, mga rescuers at bombero sa lugar para mailigtas ang babae.
Dinala sa ospital ang babae at nakikipag-ugnayan na ang mga otoridad rito sa kaniyang pamilya para matulungan siyang makabalik sa kanilanh bansa.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
photos screen grab from video of Kasimanwang Archie Hilario of Energy Fm Kalibo

No comments:

Post a Comment