Thursday, February 07, 2019
Aso na binalatan, binitay sa palengke ng Makato inimbestigahan ng animal welfare advocate group
[Exclusive] MARAMI ANG nagalit sa naibalitang pagbalat sa isang aso na iniwang nakabitay sa loob ng pamilihang bayan ng Makato araw ng Martes.
Kaugnay rito isang non-goverment organization na nangangalaga sa kapakanan ng mga hayop kabilang na ang aso ang nagtungo sa lugar at nag-imbestiga.
Ayon kay Greg Quimpo, presidente ng Animal Kingdom, nabahala umano siya sa nabalitaan kaya nagtungo siya nag-imbestiga kasama ang Makato PNP ngayong araw.
Aniya gusto niyang sampahan ng kaso ang mga kumatay sa nasabing aso gayunman wala umanong humaharap na testigo.
Batay rin umano sa amo ng aso na si Helen, bago ang pagbalat sa aso nalaman umano niya na nasagasaan ng sasakyan ang kanyang alaga.
Hindi umano niya nakita ang aso kung buhay pa ito o hindi nang masagasaan hanggang sa malaman nalang niya na ang asong binalatan at iniwang nakabitay sa loob ng palengke ay ang nawawala niyang aso.
Kaugnay rito, nagbabala si Quimpo na ang mahuhuling nanakit o kumakatay ng aso ay posibleng maparusahan o makulong. Paglabag umano ito sa Republic Act 8485 o "Animal Welfare Act".
Magsasagawa umano siya ng report ng imbestigasyon at ipapasa sa alkalde ng Makato. Balak rin niyang paigtingin pa ang kaalaman ng mga tao sa bayan kaugnay ng nabanggit na batas.##
- ulat ni Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
This comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThank you for responding to the case din, Kas Darwin. Mabuhay ka!
ReplyDeleteThank you for responding sa case, too, Kas Darwin! Mabuhay ka!
ReplyDeleteI hope they'll eventually find the culprit. This is a crime that we should not tolerate, pets are family not food!
ReplyDeleteBalatan din ng buhay...nangigil ako!!!
ReplyDeletepakikulong yang mga hayop na yan pls mga masahol pa sa hayop
ReplyDeleteWhere’s that at? Mountain Monkeys again?
ReplyDelete