NAKAALERTO NGAYON ang kapulisan sa buong rehiyon kasunod ng matagumpay na enkwentro ng tropa ng gobyerno laban sa New Peoples Army sa San Jose, Antique.
Sa Aklan sinabi ni PCInsp. Bernard Ufano, hepe ng Provincial Intelligence Branch, na nakaalerto na ang kapulisan rito sa posibleng paghihiganti ng kabilang grupo.
Aniya, bagaman insurgency free ang probinsiya may mga namamataan umanong mga armadong grupo na dumaraan sa Aklan sa mga nakaraang buwan lalo aniya na ang probinsiya ay nasa boundary ng Capiz, Antique at Iloilo.
Posibleng kabilang umano rito ang grupo ni Karen Ceralvo alias “Liway” at Liezel Bandiola alias “Mayang” na pawang mga taga-Aklan na kabilang sa pitong naiulat na napatay sa engkwentro sa Antique.
Inatasan na umano ang mga kapulisan na bitbitin lagi ang kanilang mga armas at pinasisiguro bago rumesponde sa mga liblib na lugar para hindi malinlang ng kalaban.
Nananawagan rin siya sa komunidad na maging mapagmatyag at agad ireport sa mga otoridad ang mga kahinahinalang tao sa kanilang mga lugar.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment