Pinatuyan ng ilang mga residente sa isla ng Boracay na ang
lumot ay matagal nang umiiral sa Isla sa pamamagitan ng larong tinawag nilang “lumot
battle.”
Ang nasabing laro ay inorganisa ng isang opisyal ng Malay
upang buhayin ang umano’y libangan ng tao maging noon pamang panahon.
Una nang naireport na may ilang mga turista ang nadismaya
matapos na maiulat ang paglabasan ng mga lumot sa Boracay lalu na ngayon summer
o “peak season” sa national at international media.
Nasa 50 residente, kapwa matanda at mga bata ang sumali sa
nasabing laro kung saan nagbatuhan sila ng mga lumot mula sa tabing baybayin ng
isla na tumagal ng 30 minuto.
Sa report ng Boracay Island News, sinabi ni konsehal Datu Sumndad sa mga kabataan na noon
paman ay nilalaro na ito ng mga ninuno nila. Paborito umanong laruin ito ng mga
bata noon pang 1900s.
Samantala sinabi ni Boracay Island administra
tor Rowen
Aguirre na plano narin umano nila na gawin ang “lumot battle” tuwing tag-init o
summer.
No comments:
Post a Comment