Monday, May 20, 2019

Notorious na holdaper nabaril ng kapulisan sa New Washigton, Aklan

photo by Kas Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

NEW WASHINGTON, AKLAN - Nabaril ng kapulisan ang umano'y notorious na holdaper umaga ngayong Lunes sa Brgy. Mabilo sa bayang ito.

Kinilala ito ng mga otoridad sa pangalang Sweetham Mendeguete, nasa legal na edad, at residente rin ng nasabing lugar.

Napag-alaman na nagsagawa ng hot pursuit operation ang kapulisan laban sa lalaki matapos siyang kilalanin ng huli niyang biktima na siyang nanloob sa kanilang bahay sa Brgy. Briones, Kalibo kagabi.

Pinasok umano niya ang bahay ng biktima na si Blaire Repe at nagdeklara ng hold-up.

Ibinigay umano ng biktima ang ilang alahas at pera sa suspek subalit pinagsasaksak pa niya ang biktima na natamaan sa iba-ibang bahagi ng katawan.

Naka-confine sa isang pribadong hospital ang biktima.

Samantala, nang sugurin ng kapulisan ang bahay ng suspek ay pumalag umano ito at akmang tumakas. Armado rin ng baril ang suspek kaya nabaril ito ng kapulisan at natamaan sa ulo.

Isinugod sa ospital ang lalaki at kritikal ang lagay.

Nasabat naman ng mga otoridad ang mga ninakaw na alahas sa bahay ng suspek.

Napag-alaman pa na ang suspek ay kakalabas lang ng kulungan sa kasong attempted rape at robbery hold-up.

Ilang kaso pa ng hiold-up ang sinasabing sangkot ang suspek.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Saturday, May 18, 2019

19-anyos na babae hinold-up sa Kalibo; cellphone at pera natangay


HINOLDAP NG di pa nakikilalang suspek ang 19-anyos na si Miradel Baltazar sa Andagao, Kalibo, alas 11:00 pasado ng gabi. Tinangay ng dalawang suspek ang cellphone at pera ng biktima!

Sakay umano ng motorsiklo si Baltazar patungong Tinigaw para sunduin ang kanyang ate nang harangin ng dalawang suspek sa R. Fernandez St. Capitol Site Andagao, Kalibo. Tinutukan raw ng baril ng mga suspek ang biktima at pilit kinuha ang cellphone at perang nagkakahalaga ng ₱2,000.00.

Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng PNP.##

- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo

Dalawa arestado sa buybust operation sa Kalibo

photo contributed by Kagawad Kim Melgarejo

ARESTADO ANG dalawang bading na ito sa drug buybust operation sa Kalibo, Aklan ngayong umaga!

Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Namayan y Baltazar alias "Atan" na taga Brgy. Pob., Kalibo, Aklan at Errol Eugenio y Lascano tubong San Rafael, Camarines Sur, at naninirahan na sa Capitol Site, Brgy. Estancia, Kalibo, Aklan.

Nakuha sa kanila ang dalawang sachet ng pinaghihinalaang shabu kapalit ng buy bust money na ₱3,000.00.
Naisagawa ang buy bust operation sa harap mismo ng brgy Hall ng Poblacion, Kalibo.

- Kasimanwang Archie Hilario, Energy FM Kalibo